Karylle on getting married: ‘There’s no rush’ |
| by Bernie Franco | May 15, 2012 8:36 AM | |
Aminado si Karylle na dumating siya sa punto na lubos-lubos ang pagmamahal na ibinigay niya sa ibang tao at nakalimutan ang sarili. Pero aniya, nasa punto na siya ng kanyang buhay na napagtanto niya na upang makapagmahal ng iba ay kailangang unahin ang sarili. “There comes a time when you have to step back and before you can really love others, you have to love yourself first. That’s the empowerment of feeling good about yourself and taking care of your self so that you could then take care of others,” paliwanag ni Karylle sa press conference ng Miladay Jewels, kung saan ang actress-singer ang kauna-unahang celebrity endorser.
Sunud-sunod ang magagandang nangyayari sa career ng aktres ngayon at ang pagkakaroon ng mga endorsements, pero aniya, hindi naman ito ang pangunahing motibo niya kaya siya nag-showbiz. “Those are like cherries on top but it’s really why we’re in this business. It’s more of sharing what is your talent and what God has given you and of course meeting people along the way,” paliwanag niya.
Speaking of jewels, naitanong kay Karylle kung anytime soon ay mabibigyan na siya ng engagement ring ng kanyang napapabalitang boyfriend, si Yael Yuzon. “As a girl cannot answer that question ever,” mabilis na tugon ni Karylle.
Itinanong ng Push.com.ph kung kailan ang ideal age niya para lumagay sa tahimik. “Actually I always think about it in terms of in God’s time,” sagot niya. “Ang hirap pilitin ang ganung bagay. With my friends din actually, they’re just getting married now, marami pa rin ang hindi marriedso ‘yung generation kasi namin nagiging mas late ‘yung marrying age,so there’s no rush because we have experienced broken families and we have learned to be patient about it.”
Pagpapatuloy pa niya hindi rin naman daw siya pressured na maikasal na at this point of her life. “’Yung mga kaibigan ko rin nag-iba ang ihip ng hangin. Dati, I remember, when I was in high school 18 (years old) was the marrying age and of course definitely that has changed. I think all things come in good time talaga, eh.”
Related Links and Articles


