Thursday, May 23, 2013
Singer Kean Cipriano says acting is one of the best jobs in the world
by Bernie Franco | May 28, 2012 6:08 AM | 

Naging daan ang pelikulang The Reunion upang maging mga kaibigan ni Kean Cipriano ang mga co-stars na sina Enchong Dee, Enrique Gil at Xian Lim. Dagdag pa niya, isang masayang experience ang project dahil baguhan pa lang ang singer sa larangan ng pag-arte. “Sabi ko nga kay Enrique last time, para kaming pumapasok ng school. Pumupunta kami do’n para mangulit. At the same time, gagawin mo ‘yung kelangan mong gawin, may teacher ka, ‘yung direktor (na) si Direk Frasco Mortiz. Maganda siyang experience at excited na ako na matapos and I’m sure in behalf of The Reunion team, excited na kaming lumabas ‘yon.”

Wala rin daw isyu pagdating sa bigat ng role dahil barkada movie naman ang kanilang proyekto. “It’s a barkada movie so alam mo ‘yon, kung barkada movie ‘yan, merong ibat-ibang characters ‘yan. ‘Yung isa ‘di mo makilala nang buo kung wala ang isa. ‘Yung character ni Xian konektado sa character ko, ‘yung character ko konektado sa character ni Enchong at ni Enrique. I think we work as a team.” 

Kabilang si Kean sa mga music artists na nakatawid sa larangan ng pag-arte at aniya, masyado nga niyang nae-enjoy ang bagong mundong ito.

Lagi naman akong thankful, I feel so blessed na binigyan ako ng mga TV projects na kung anuman na dumating na movies lalo na sa (Ang Babae sa) Sceptic Tank. Napakalaki ng utang ko dun sa Sceptic Tank, sa direktor, sa buong team. Parang dun ako namulat na, ‘Uy, ang sarap nito ah!’ Nae-enjoy ko siya. Nung una, trabaho siya, oo trabaho siya pero it’s one of the best jobs in the world, you get paid for waiting, you get paid for eating.”

Inaasahang matatapos na sa mga susunod na araw ang The Reunion dahil balak ni Kean na bumalik muli sa paggawa ng musika kasama ang kanyang banda na Callalily. Sa buong buwan daw ng Hunyo ay ang paggawa ng album ang kanyang aatupagin para naman ihandog sa kanilang fans.

Sinagot din ni Kean ang isyung pagbibiro niya minsan sa isang interview na tinawag umano niyang “Mrs. Cipriano” si Yeng Constantino, kaya naman inisip ng iba na may something romantic na nangyayari sa dalawa. Pero paglilinaw ni Kean, isa lang daw iyong pick up line sa ginawa niyang performance.  Nag-meet daw kasi ang wavelength nila ni Yeng sa pagpe-perform pero wala namang romantic. Dagdag pa niya, hindi niya nililigawan si Yeng.

Related Links and Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedback



Bamboo Manalac on his coaching style for The Voice of The Philippines: ‘I will be a benevolent dictator’
Rock star Bamboo Manalac shares his experience during the blind auditions of ‘The Voice of The Philippines.’
Bb. Pilipinas-Tourism Cindy Miranda reveals traits of a true beauty queen
Get to know the unstoppable, limitless and beyond beautiful Binibining Pilipinas Gold 2013 runner up Cindy Miranda.
Marjorie Barretto admits she didn't want daughter Julia to make a comeback in showbiz
The actress-turned-politician says she doesn't want to become a hindrance to her daughter's dreams.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers