Yeng Constantino reveals what is making her happy nowadays |
| by Bernie Franco | June 25, 2012 3:18 AM | |
After six years in the business, very grateful pa rin si Yeng Constantino dahil patuloy pa rin ang pag-imbulog ng kanyang singing career. “Sa dami ng times na nag-perform ako, one thing I know, hindi talaga ako nagsasawa sa ginagawa ko. I really love what I do and I really am passionate about it,” pahayag ni Yeng during the opening of Academy of Rock, isang music education center na matatagpuan sa Rockwell Powerplant Mall sa Makati. “Pagpapatuloy niya, hindi raw mahalaga kung marami o kaunti ang nanonood sa kanya sa kanyang bawat performance dahil ibibigay raw niya talaga lahat ng best niya.
Ibinunyag din ng singer na napakasaya niya sa punto ng kanyang buhay ngayon. “Natutuwa ako kasi nandito ako sa point ng buhay ko, andito ako sa bagong season ng buhay ko. Natutuwa ako na maging mas riskier sa fashion at sa music and on my next album magta-try ako ng bago. Hindi naman siya hihiwalay sa genre ko pero iba siya, sobrang iba siya sa past albums ko,” pagkukuwento ni Yeng.
Malaki na rin ang ipinagbago ng singer pagdating sa hitsura. Dati ay simpleng manamit at mag-ayos si Yeng pero ngayon ay marami na ang nakakapansin sa kanyang sexier but edgier fashion statement. “Isa siguro sa mga reasons kung bakit nage-evolve ako is it’s part of my growth, plus, ayoko ring ma-bore sa ginagawa ko. Try and try lang until you find your style,” aniya.
Naging matalino na rin si Yeng kung paano niya dalhin ang sarili. Bukod sa pagkakaroon ng mas mataas na kumpiyansa sa sarili, natutunan na rin niya kung paano magdesisyon para sa kanyang sarili. “Siguro mas nag-mature ako as a person. ‘Yung parang nakikinig ako sa lahat pero hindi lahat tini-take personally.” Paghahalimbawa niya, minsan sa ASAP, may mga pumupuna sa kanyang porma at natututo siya sa mga komento, maganda man o hindi.
Gayunpaman, tinitiyak ni Yeng na hindi raw nawawala ang kanyang identity. Alam daw niya na minsan ay kailangang magkompromiso pero hindi raw ito dahilan para hindi gawin ang nais mo.
Kung meron man daw siyang ginagawang tama para maging masaya siya, ito raw ay ang pagpuri si Diyos. “I always worship every morning, one hour everyday, kinakantahan ko si God. Binubuksan ko ‘yung bintana magwo-worship lang ako kakantahan ko lang si God. I read the Bible in the morning and night.” Natutunan na raw niyang magtiwala sa Diyos at hindi na masyadong nag-aalala kahit pa raw wala siyang lovelife. “I’m happy na hindi lang ‘yun ang nagpapa-bloom sa akin. Siguro ‘yung peace din inside my heart.”
Inamin din ni Yeng na noong una ay sobra siyang takot na lumalabas kapag nakabihis sa takot na baka punahin ang kanyang pananamit. “Pero ngayon nagkaroon ako ng security. Na let go ko na ‘yun and I’ll do what I want. I know naman ‘di naman ako nakakasakit ng tao with my fashion. Ang sarap mag-experiment ng sarili, pati sa song writing iba,” bida niya.
Related Links and Articles

