Vina Morales, Markki Stroem, and Judy Ann Santos voice out their opinions on the Cybercrime Law |
| by Krissa Donida | October 11, 2012 9:18 AM | |
Mainit na mainit ang talakayan at debate ngayon tungkol sa pagpapatupad ng Cybercrime Law at iilan sa mga kapamilya stars ay may opinyon sa isyung ito. Isa na dito si Markki Stroem na matapang na naninidigan sa kanyang paniniwala na hindi dapat ipatupad ang nasabing batas. Aniya, “May sinulat ako sa Twitter. I posted it pero I deleted it baka mapreso ako. I wrote ‘Welcome back 1980s then hashtag #Martial Law so yeah.” Dagdag pa ng aktor sa isyu, “I think people should know lalo na from me na ang album ay hindi mainstream, na that I like people different… may sarili silang utak na pwede nilang gamitin in that sense and that is what Philippines is known for. They are able to discuss and talk about issues kahit gusto nila o hindi nila gusto. They have their own perception and sobrang importante yun sa world ngayon to be educated.”
At ang matapang pang pahayag ni Markki sa kabuuan ng konsepto ng Cybercrime Law? “High school! Parang the entirety of it all is parang high school. I got the worst of it sa PGT (Pilipinas Got Talent,kung san siya nagsimula bilang contestant). I got so much stuff sa PGT. Ang daming nagsasabi hindi marunong kumanta, hindi karapat-dapat na nandun siya, wala naman siyang talent , blah blah blah, but geek ako sa high school. Nerd ako nung high school ang daming nambully saakin e that’s what made me stronger. Take all of these comments, take all of these negative issues, take all of these negative whatevers and create something positive.”
Ayon sa ilang mga eksperto ng batas na ito, ang proteksiyong maibibigay ng Cybercrime law ay lalong mas pakikinabangan ng mga public figures tulad na lang ng mga artista at ng mga pulitiko. Dahil ngayon ay mas may karapatan na sila na makapaghain ng reklamo sa mga nakasisira o nakakayurak sa kanilang pagkatao. Pero para sa singer/actress na si Vina Morales, may Cybercrime Law man o wala, “Kasi pinasok ko itong trabahong ito na I really have to face the facts na talagang mapapag-usapan ka dahil ito yung trabaho mo so na-settle ko na yun. Depends on the artist e but ako I can defend myself anyway if it’s true or not. Hindi maiiwasan yan bilang artista at public figure.”
At ang opinyon naman ng Telesrye Queen na si Judy Ann Santos sa mainit na talakayan ukol sa Cybercrime Law? “Well unang-una kasi wala naman akong Twitter. Hindi rin naman ako mahilig magbigay ng opinyon about anyone or anything to begin with so ako kasi parang ang sinasabi nila mawawalan ka ng freedom of expression pag nag Cybercrime. Ang sa akin naman e oo naman may freedom naman lahat ‘di ba? May kanya-kanya naman tayong opinyon pagdating sa bagay-bagay pero gusto mo talagang magsalita ng masama laban sa ibang tao na nakikita ng iba sa Facebook o Twitter e pag nagka-anak ka one day at pag ni-review yan ng anak mo mapapanindigan mo ba?”
Dagdag pa ni Juday tungkol dito, “Ako naman hindi naman ako against at hindi naman ako pro sa cybercrime law. Ilagay lang sa tama ang pagbibibgay ng opinyon at kaya mong panindigan na, ‘Yes ako ang nagsabi niyan.’ Huwag ka nang magtago sa pangalan ng iba or huwag ka nang magpaka-anonymous. Panindigan mo at oo sabihin mo na ako ang nagsabi nito at ilabas mo ang mukha mo para hinid ka nagtatago sa Twitter name. Wala akong nakikitang masama sa pagbibigay ng opinyon, kung kaya mong paninidigan much better kung hindi e huwag ka na lang magsabi ng hindi maganda.”
At sa usaping mas makadaragdag ito ng proteksiyon lalo na sa mga artistang tulad niya, “Ako kasi, ang posisyon ko sa ganyan artista kami at public figure kami, wala kaming hawak sa opinyon ng mga tao. In a way ang dating kasi sa mga tao, ‘Pinapanood namin kayo, public figure kayo. Sasabihin namin ang gusto naming sabihin.’ At kung artista ka tatanggapin mo na lang na hindi mo sila hawak, na hindi lahat ng tao mapi-please mo at hindi lahat ng tao mapapaliwanagan mo ng tunay na nangyayari sa buhay mo. So nasa sa iyo na yun kung seseryosohin mo ba yung sinasabi nila, kung dadalhin mo ba yan hanggang pagtulog at baka mabangungot pa ako sa kanila. It’s not worth the time, and it’s not worth the effort and even the pain dahil kung alam mo naman na hindi totoo. Deadma na sa paninira ng tao e bahala na kayo ganun na yun e.”

