Zsa Zsa Padilla feels ‘weirded out’ at the thought of having another partner after Dolphy |
| by Krissa Donida | October 30, 2012 9:00 AM | |
Sa naging panayam ni Janice de Belen sa Showbiz Inside Report kay Zsa Zsa Padilla naging bukas ang Divine Diva sa lahat ng mga pangyayari sa kanyang personal na buhay ngayong taon na ito, mula sa pagkamatay ng kinakasamang King of Comedy na si Dolphy hanggang sa naging kalagayan ng kanyang kalusugan. Paano niya nga ba hinaharap ang araw-araw? “I’m actually good, still taking it a day at a time.” Dagdag pa niya, “Saka happy na ako throughout the day kasi when I start my day, I talk to Dolphy. Of course madalas dun ako umiiyak sa umaga pagkatapos nun I can go on with my day and bihira yung nagkaron ako ng feeling na malungkot ako o nag-iisa ako sa gabi. It’s always in the morning.”
Inilahad din ni Zsa Zsa ang plano nilang pamilya sa darating na Araw ng Undas. “I’m going to visit actually on the 28th… we’re putting up tents on the 31st. Maglalagay lang kami ng tables and chairs ganun lang kasimple and of course we are going to decorate it.”
Ito rin ang unang pasko ng Divine Diva na wala ang kinakasamang si Dolphy at ang kanyang rebelasyon, “Sinabi ko ako mismo ayoko maglagay ng Christmas décor. Understandable naman. Let’s not torture ourselves. But me, ako pa naman yung every Christmas sobrang bongga sa loob ng bahay sa labas kasi in-charge si Dolphy.”
Ibinahagi din ni Zsa Zsa ang kanyang nakagawian nang gawin sa kanilang bahay simula ng pumanaw si Dolph., “Actually I go to every corner that I can remember him. I’m just… it comforts me. Ang nakaka-miss lang siyempre nung nawala na siya, kumonti na rin yung tao sa bahay namin, sobrang tahimik na. He was a people person so nung nawala siya kasama yun ng lahat ng dumadalaw, yung staff niya, medical staff niya. Pero once in a while they would visit us.” Kwinento din niya ang pinakamahirap niyang pinagdaanan habang naalala lahat ng mga magagandang alaala nila ni Dolphy sa loob ng kanilang bahay. “The only time I had a hard time was when meron siyang picture, 8” by 10”. napag-isipan kong ilagay sa altar kasama nung mga kapatid niya, anak niyang namatay, may mga pictures sa altar namin. The next day dumadaan ako, umiyak ako, tinanggal ko. ‘Bakit mo nilagay dun?’ Hindi ko matanggap, yung may ganun.”
Isang tribute album ang ginagawa ngayon ng mag-inang Zsa Zsa at Zia Quizon para kay Dolphy. Ayon sa kanya, “We feel that siyempre when you go through a loss, pwede mo naman anuhin ‘di ba, para maging inspiration din yung music. So sabi sa akin nung isang producer namin, ‘Meron ka bang sinulat kay Dolphy?’ Sabi ko, ‘Oo, pero lahat ng sinusulat ko hindi napapasa.’ Pero yun I wrote him a song before.” Ang titulo ng kanta ay “I Turn To You.”
Minsang sinabi ni Zsa Zsa na siya ay single ngunit unavailable. Kaya naman natanong din kung napag-usapan ba nila ng yumaong si Dolphy na kung sakali, ay maari siyang makahanap ng iba. Ang mabilis ang naging sagot ni Zsa Zsa ukol rito, “Never.” Ngunit siya ba mismo ay naiisip niya ba? “I don’t know e. I don’t know it’s a weird age to be 48. Parang honestly I feel weirded out by just the thought of it. Kasi 16 years old meron na akong asawa and I have always been with a man since then so parang ini-enjoy ko itong time na ito by myself.”
Related Links and Articles


