Saturday, May 25, 2013
Anne Curtis opens up about her early years in showbiz and her current love life
by Krissa Donida | January 16, 2013 9:49 AM | 

Isa si Anne Curtis sa pinakasikat na personalidad ngayon sa show business na tinitingala hindi lang ng mga nakakapanood sa kanya kungdi pati ng nga kapwa artista na nakakasama niya. Ngunit bago pa man ang lahat ng ito, matagal ang hinintay ni Anne bago niya maabot ang lahat ng natatamasa niya sa kasalukuyan. Binalikan nina Anne at Carmina Villaroel ng Showbiz Inside Report kung paano nagsimula ang lahat nang minsang nagbakasyon sila dito sa Pilipinas noong 12 years old siya.

Nilapitan ako, talent scout sa isang commercial, ayaw ng Dad ko. Yung Mom ko siyempre push. Gusto niya, so we did it behind his back, we did the VTR.” At simula nga noon ay hindi na napigilan si Anne sa pagpasok sa showbiz.

Ngunit sa labinlimang taon niya sa industriya, hindi naging madali ang kanyang pagsikat sa showbiz. “It wasn’t a quick rise to fame. Talagang I came from doing the maliliit na roles, pinsan ni Angelu de Leon, friend ni Antoinette Taus, kapatid ni Kim de los Santos. When I got my first acting award it was unbelievable. May sense of achievement, ang tagal tagal kong hinintay to, 15 years so finally ito na yun. It made me appreciate yung craft even more.”

Sa kabila ng sunod-sunod na tagumpay ni Anne Curtis na tila naabot na niya ang lahat, patuloy pa rin ang kanyang pagpursige para magbigay ng inspirasyon sa iba na na walang masama mangarap para sa sarili. “I’m a pursuer of dreams. Okay lang na mag-work ka ng mag-work pero dapat may mga sarili kang pangarap para sa sarili mo. And with patience, strive for it. Claim it!”

At nang napag-usapan na nga ang estado ng buhay pag-ibig ni Anne kay Erwan Heussaff, ang malaman niyang sagot sa posibleng pagkakaroon ng sarili niyang pamilya, “Definitely not this year.” Kaya naman nang matanong na ngayong nasa-ikatlong taon na sila ng kanilang relasyon, kamusta siya bilang boyfriend. “Amazing person. I don’t think I have ever been so relaxed in a relationship na nandun yung trust, nandun yung confidence. Wala kang sense of insecurity kasi you feel loved 100% every single day, it’s a beautiful experience.”

At sa tanong kay Anne na sa lahat ng ito may kailangan pa ba siya, “Kailangan ko ng love everyday (giggles). I think everyone needs love from your fans, love from your boyfriend, love from your family, love from your friends. I need love everyday.”

Catch Showbiz Inside Report every Saturday after It’s Showtime.

Related Links and Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



Bamboo Manalac on his coaching style for The Voice of The Philippines: ‘I will be a benevolent dictator’
Rock star Bamboo Manalac shares his experience during the blind auditions of ‘The Voice of The Philippines.’
Bb. Pilipinas-Tourism Cindy Miranda reveals traits of a true beauty queen
Get to know the unstoppable, limitless and beyond beautiful Binibining Pilipinas Gold 2013 runner up Cindy Miranda.
Marjorie Barretto admits she didn't want daughter Julia to make a comeback in showbiz
The actress-turned-politician says she doesn't want to become a hindrance to her daughter's dreams.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers