Thursday, March 11, 2010
Acting, a pleasant surprise for PFF Participante Manuel Chua
by Arniel Serato | April 14, 2009 8:05 AM | 

Inamin sa ABS-CBN.com ni Manuel Chua ng Pinoy Fear Factor na dissapointed siyang hindi siya ang tinanghal na El Ultimo Participante sa naturang reality show. “May naidulot na disappointment siya sa akin actually, lalo na nung time na na-out ako tapos nakalimutan ko na siya ok na ako tapos nung napanuod ko ulit ayun bumalik siya. Pero after that siyempre tanggap ko na si Jommy [Teotico] talaga ang nanalo, so I have to accept it.” Pero noon daw yun at ngayon ok na ang kanilang pagkakaibigan. “Ok kami ni Jommy, good friends kami, close kami. Actually ako, si Jommy at Marion [dela Cruz] close kami talaga.”

Naging daan sa mga participante ang show para makilala at mapag-usapan kaya hindi maiwasang maisip ng iba na kaya sila sumali sa Pinoy Fear Factor para mag-artista. Iba naman ang kuwento ng papalicious SuperManuel ng Cabanatuan City. “Ako nung sumali ako wala akong planong maging artista eh, gusto ko lang ma-experience yung challenges ng Fear Factor pero nung nasa fear factor na kami nung malapit ng matapos tinanong ako ni Ryan [Agoncillo] pag uwi mo ng Pilipinas gusto mo maging artista? Ang sabi ko kung may chance bakit hindi, so ngayon andito ako at masaya ako na merong binigay sa akin na project, kasama ko si Judai [Judy Ann Santos] tsaka si Ryan sa George and Cecil.”

Inusisa din namin ang super father na si Manuel kung sino-sino ba sa mga girls ng PFF ang naging close niya noong nasa Argentina pa sila. “LJ Moreno, Janna Dominguez and Savanah Lamsen. Si Gail Nicolas, naalis kaagad tsaka si Phoemela Barranda kaya nung time na andun kami talaga kasi si Gail lagi kong katabi sa mga stunts so kaming dalawa laging nag-uusap.”

Inamin din nitong na-pressure siya nung pinagkakaisahan na siya nang mga kapwa participante. “Nung una flattered ako kasi pinag kakaisahan ako kung baga threat ako pero nung tumagal mahirap na rin, pressured na.”

Sa ngayon, ang gusto lang daw ni Manuel ay magkaroon ng maraming guestings para mahasa ang kanyang talent. “Gusto ko lang magkaroon ng maraming trabaho, para mas ma-develop ko yung sarili ko, maipakita ko rin kung ano yung kakayahan ko.”

Related Articles

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Juris Fernandez says that she doesn’t miss being in a band
Juris Fernandez enjoys performing solo on stage
Heart Evangelista feels sad about the John Prats-Shaina Magdayao breakup
Heart Evangelista gives ex-boyfriend John Prats some advice about moving on.
Marc Abaya talks about falling in love with his best friend of 10 years
Marc Abaya reveals that his new girlfriend is NewsCentral sports anchor Mia Cabalfin.
See all articles...
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers