Sunday, November 08, 2009
Wowowee’s Congratulations Girl a hit with viewers
by  | July 03, 2009 9:50 AM | 

Si "Congratulations Girl" ay ang dise-nuebe anyos na si Aprilyn Gustilo, nagmula sa Bacolod at naging isang kalahok sa Ms. Fitrum Contest ng noontime show na Wowowee, Lunes hanggang Sabado, sa ABS-CBN. Siya ay nakilala kasama ang ASF-Trio na sunod-sunod na binabanggit ang mga katagang “Congratulations! – Mabuhay! – More Power!” tuwing sila ay nagbibigay ng premyo sa mga kalahok ng programa.

Totoo nga na ang kanyang pagsisikap na maging isang ASF dancer ay hindi nasayang dahil ngayon ay nabibigyan na siya ng spot sa programa. Paliwanag pa ng masayahing dancer,” I am very happy to be a part of the Wowowee team, but as what Kuya Wil always says being part of Wowowee is not pleasure but a challenge. Hindi ganoon kadali mabigyan ng break at natutuwa akong magpasaya at hangaan ng tao. Hangang-hanga sila sa congratulations ko! I also receive some negative comments but I’m just thankful that I am a Kapamilya".

Ang kanyang pagiging “kalog na Ilongga” ang nagbigay sa kanya ng spot na ito at hindi naman maitatanggi na ang kanyang puso ay nasa Wowowee. Sino nga ba ang nasa likod ng kanyang pagsusumikap? Ito ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina na sumusuporta sa kanya sa lahat ng bagay.

Hindi nakakagulat nang aminin niya kung sino ang kanyang celebrity crush, “Kim, wag kang magagalit, it’s Gerald Anderson," sabi pa nito ng nakangiti. Nang tanungin kung sinong leading man ang gusto niyang makatambal pagnagkaroon ng pagkakataon, ibinulong ni April, “Piolo Pascual and John Lloyd Cruz, kasi best actors of this generation sila.”

Related Link

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Aga Muhlach launches new activities for his MaAga ang Pasko charity foundation
Aga Muhlach has bigger plans for the benefit of Filipino children.
Pinoy Dream Academy 2’s Chivas Malunda hopes to record an album soon
Former PDA scholar Chivas Malunda reveals he’s currently choosing songs for his first album.
Regine Angeles recalls how her home almost got destroyed by Typhoon Ondoy
Regine Angeles says that her Typhoon Ondoy experience taught her to be ready with whatever life brings.
See all articles...
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers