Tuesday, March 16, 2010
Rayver Cruz says he and Sarah Geronimo still keep in touch
by Dominic Rea | October 07, 2009 12:01 PM | 

Ikinalulungkot ni Rayver Cruz ang trahedyang dumating sa ating bansa kamakailan lang. Bilang isang ordinaryong mamamayang Pilipino ay nabagabag diumano ang kanyang kalooban sa sinapit ng ating kababayang apektado nito. “Nakakalungkot po talaga! Kahit papano po bilang isang Kapamilya, may mga ginawa naman po kaming effort para maiparamdam po sa ating kababayang nasalanta ng bagyo na marami pong tumutulong sa kanila at kaming lahat bilang mga artista ay gumawa rin po kami ng paraang makatulong din!" bungad pa ni Rayver Cruz sa aming panayam sa kanya last Sunday sa ASAP.

Naging dahilan din daw ang bagyong nagdaan kung bakit magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin nauumpisahan ang shooting ng pelikulang Shake,Rattle and Roll ng Regal Films na entry nito this year para sa Metro Manila Film Festival. “Yun nga po eh! Nagkaroon na po kami ng group meeting at bonding lahat nung cast nung movie pero hindi pa po talaga kami nagso-shooting dahil po sa naging problema sa bagyo! Like si Jennica Garcia na kasama po namin sa movie, isa rin kasi siya sa mga nasalanta nung bagyo, basta, maraming reasons po kung bakit naka-hang pa 'yung shooting namin. Pero okey napo lahat,plantsado na,'yung start nalang po nung shooting namin!” dagdag niya.

Bago namin winakasan ang aming interview ay kinamusta namin ang sitwasyon naman nila ni Sarah Geronimo. “Okay naman po kami. Nagti-text pa rin kami, kamustahan, kasi, meron po 'yung blackberry messenger na tinatawag nila ngayon, yun 'yung uso ngayon, okay naman pong comunication namin.” Kinumpirma rin sa amin ni Rayver Cruz na medyo hindi pa rin sila okay ng Mommy ni Sarah Geronimo at hindi pa sila nagkakausap sa isyung kinasangkitan nito lately. “Hindi pa kami nagkakausap! Saka na! Busy naman sila yata lagi. Hayaan na lang po muna natin. Time will heal na lang po," pagtatapos ni Rayver.

Related Links and Articles

The ABS-CBN
ForumsSend us your feedbackTFCnow


Melisa Cantiveros can’t believe that she is part of Kokey at Ako
The Pinoy Big Brother winner still can’t get over the fact that she is being given one project after another.
Yeng Constantino reveals Rivermaya’s Jayson Fernandez courted her
Yeng Constantino says that she and Rivermaya vocalist Jayson Fernandez both agreed to prioritize their career.
Sam Concepcion receives a gold record award
Sam Concepcion gives credit to his fans for his success in the entertainment industry.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers