Thursday, May 17, 2012
Eric Quizon admits doing Dolphy’s biopic will be difficult
by Bernie Franco | December 20, 2009 2:17 AM | 

Ngayon pa lang ay excited na si Eric Quizon sa posibilidad na gumawa ng biopic tungkol sa kanyang amang si Dolphy pero inamin din niya na hindi ito magiging madali dahil importanteng walang ma-miss out na mahalagang kaganapan sa paggawa nito. “Iniisip ko pa lang napapagod na ako,” simula ng actor-director. “I don’t think one movie is enough. I think it has to be a mini-series or series of movies parang Lord of the Rings or Harry Potter kasi ang buhay ng daddy ko ay napakakulay so para may ma-omit o may ma-miss out ka, parang sayang kung hindi mailalagay. So it would be nice kung gagawin mo siya at ipakita mo talaga ang buong storya ng buhay niya.”

Hindi naman umano siya duda sa posibilidad na kaya nila itong gawin at ang tanging tanong lang ay kung kailan ba ito magagawa. “It really depends on him if he still wants to portray [himself] or be part of that. Siyempre mas maganda kung panghuli ay siya ‘yung ginagampanan niya o ‘yung buhay niya sa ngayon.”

Paliwanag pa ni Eric, kailangan ding piliing mabuti kung sino ang gaganap na Dolphy kung sakali mang matuloy ito. Hindi lang daw dapat na magaling umarte kundi dapat ay convincing ang aktor sa lahat ng aspeto, at inamin niyang ito ay isang mahirap na proseso.

Usually daw ay nagpa-Pasko si Direk Eric sa America kasama ang kanyang ina subalit ngayong taon ay dito sa Pilipinas siya magpa-Pasko. Bukod sa magkakaroon siya ng pagkakataon na makasama ang amang si Dolphy ay mayroon din siyang idinerektang pelikula, ang Nobody, Nobody But Juan, na pinangungunahan din ng kanyang ama na makakasama sa Metro Manila Film Festival.

Related Article

The
ABS-CBN
ForumsSend us
your feedback


Karylle on getting married: ‘There’s no rush’
Coming from a broken family, Karylle says getting married should not be rushed and one should learn how to have patience.
Vina Morales stars in local version of the Broadway play “Rock of Ages”
The singer-actress admits she is excited to be part of her first theatrical production.
Juris Fernandez’s husband supports her singing career
The singer shares she is adjusting to married life well.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers