Thursday, May 17, 2012
Jason Abalos wants to help his younger co-stars in ‘Agua Bendita’
by Bernie Franco | January 30, 2010 1:50 AM | 

Masuwerte kung ilarawan ni Jason Abalos ang sarili dahil hindi siya nawawalan ng proyekto lalo na kung walang kasiguraduhan ang mga artista kung may susunod na proyekto pagkatapos gawin ang isa. “Magmula Eva Fonda, Pieta, Kambal sa Uma, Nagsimula sa Puso, Agua Bendita, hindi ako nahinto. Siguro kung mahinto man ako weeks lang pero alam mo ‘yung meron kang aabangang trabaho.”

Ginagawa na ngayon ni Jason ang Agua Bendita kung saan makakatambal niya ang baguhang si Andi Eigenmann (ang anak ni Jaclyn Jose at ni Mark Gil) at si Matteo Guidicelli. Since siya ang pinakamatagal sa showbiz sa kanilang tatlo, sinabi ng aktor more than thinking na siya ang pinakasikat sa tatlo, mas pokus siya sa pagtulong sa kanyang mga baguhang katrabaho. “Ako, kung kaya kong tumulong sa mga nagsisimula sa mga kagaya nila, kung kaya kong tulungan ‘yung show, why not?”

Sinabi niya na alam niya ang nararamdaman ng mga co-stars niya dahil minsan din siyang naging baguhan. “Ang alam ko lang naman kung paano ko sila tutulungan, eh kung paano magiging komportable sa trabaho n’yo. Alam mo naman kung ano ‘yung na-feel mo nung bago ka pa lang tapos makakatrabaho mo ‘yung mga beterano na ito, sila rin ganun ang nararamdaman nila para sa ‘yo.”

Wala na muna raw siyang mahihingi pa sa ngayon dahil sunud-sunod ang mga biyayang ibinibigay sa kanya. Kahit pa umano wala siyang love life ay masaya rin naman siya. Mas pokus daw siya ngayon na mapagbuti ang kanyang trabaho. “Kung ito lang mga nagtitiwala sa akin bibiguin ko, napakasakit para sa akin nun.

Related Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow


Karylle on getting married: ‘There’s no rush’
Coming from a broken family, Karylle says getting married should not be rushed and one should learn how to have patience.
Vina Morales stars in local version of the Broadway play “Rock of Ages”
The singer-actress admits she is excited to be part of her first theatrical production.
Juris Fernandez’s husband supports her singing career
The singer shares she is adjusting to married life well.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers