Thursday, May 17, 2012
'Sailor Moon' and 'Naruto' join forces in ABS-CBN's new Team Animazing
by ABS-CBN Corp. Comm. | January 20, 2012 9:03 AM | 

Bibida na ang pinakamalupit mong mga kasangga tuwing umaga sa bagong Team Animazing ng ABS-CBN.

Salubungin ang pagdating ng pinakamagandang tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan na si “Sailor Moon” simula Lunes (Jan 23) sa ganap na alas-otso ng umaga. Isa nga si Sailor Moon sa mga karakter na minahal ng sambayanan at isa sa pinakamalaki at pinakasikat na cartoons na ipinalabas noong 90s.

Isang simpleng estudyante lamang si Usagi Tsukino nang makilala niya ang nagsasalitang pusang si Luna at nalaman niya ang kanyang katauhan bilang Sailor Moon, ang tagapagligtas ng sangkatauhan. Sa tulong ng mga kaibigang sina Sailor Mercury, Sailor Venus, Sailor Mars, at Sailor Jupiter, kinakailangan niyang mahanap ang prinsesa ng buwan at labanan ang kasamaang dala ng Dark Kingdom.

Samantala, muling nagbabalik ang paboritong ninja ng bayan na si Naruto sa panibago na namang adventures sa inaabangang “Naruto Shippuden 4” na matutunghayan pagkatapos ng laban ni “Sailor Moon” sa ganap naman na 8:30 AM.

Desidido na nga si Pein na mas maging malakas kaya naman tutugisin niya si Naruto para makuha ang nine-tailed fox na nasa loob ng katawan nito. Lingid naman sa kaalaman ni Naruto na may nagbabadya na palang panganib dahil abala siya sa pagsasanay ng kanyang bagong technique sa pakikipaglaban. Paano haharapin ni Naruto ang panibagong hamon?

Gumising sa maaksyong umaga at panoorin ang back-to-back adventures hatid ng “Sailor Moon” at “Naruto Shippuden 4, “ Lunes hanggang Biyernes simula Jan 23, alas otso ng umaga sa bagong Team Animazing ng ABS-CBN.

The
ABS-CBN
ForumsSend us
your feedback



ANC & TV Patrol first to use Weather Central in the Philippines
ABS-CBN acquires most advanced weather forecasting system.
ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers