'Mundo Man Ay Magunaw' premieres Monday at 11:30am |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | January 30, 2012 1:51 AM | |
Ngayong Lunes (Enero 30), sa ganap na 11:30 ng tanghali, mapapanood na ang pinakabagong de-kalibreng teleserye na “Mundo Man ay Magunaw,” ang kauna-unahang locally produced drama ng ABS-CBN sa noontime slot.
Maituturing na isang ‘casting coup’ ang nasabing teleserye dahil sa bago at kapanapanabik na bagong kombinasyon ng mga artista. Ang “Mundo Man ay Magunaw” ay pagsasamahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na batang aktor at premyadong artista ng bansa kabilang sina Empress, Nikki Gil, Ejay Falcon, Sylvia Sanchez, Allan Paule, Pinky Amador, Jason Gainza, Dianne Medina, Alex Castro, Tessie Tomas, at Eula Valdez.
Ayon kay Eula, marami ang makaka-relate sa kuwento ng kanilang bagong show, lalo na ang mga ina. Aniya, “Ang karakter ko dito ay isang mapagmahal na ina na handang gawin ang lahat para makasama ang mga anak niya.”
Masaya naman si Empress sa panibagong pagkakataong bumida sa isang teleserye ng ABS-CBN. Aniya, tiyak na tututukan ng TV viewers ang mga karakter ng kanilang kuwento. "Excited akong mapanood nila ito kasi ngayon lang ako gagawa ng mas mature na role. Mabuting anak ako dito pero palaban. Kakaiba rin dito si dito si Ms. Eula dahil parang ngayon lang siya hindi kontrabida,” ani ni Empress.
Bago naman sa acting career ni Nikki ang kanyang gagampanan bilang bida-kontrabida sa karakter niyang puno ng ambisyon at naghahanap ng pagtanggap. "Ako po dito si Jennifer La Peña. Isa po akong matapang na babae na gustong mapatunayan sa lola ko na ako ang karapat-dapat na tagapagmana niya,” sabi ni Nikki.
Sundan sa "Mundo Man ay Magunaw" ang kuwento ni Olivia (Valdez) at ng kanyang mga anak na sina Sheryl (Empress) at Jennifer (Nikki) at kung paano sila pinag-ugnay ng tadhana matapos ang 20 taon na pagkakawalay. Magawa kaya ng isang ina na buuin ang pamilya niyang winasak ng kasinungalingan o tuluyan na siyang susuko sa sunod-sunod na dagok ng buhay na kahaharapin niya?
Sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Rechie Del Carmen, magsisimula na ang pag-ikot ng mundo nina Olivia, Sheryl at Jennifer sa Enero 30 (Lunes), 11:30 ng tanghali, “Mundo Man ay Magunaw,” araw-araw sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa Twitter, o i-‘like’ ang facebook fanpage ng show na http://www.facebook.com/mundomanaymagunaw.
Related Links

