Sunday, May 26, 2013
Carmina, Janice, Joey and Ogie probe the personalities behind the issues in 'Showbiz Inside Report'
by ABS-CBN Corp. Comm. | February 03, 2012 8:44 AM | 

Maghahatid na ng mga malalim, mabusisi, at mapusong showbiz balita, ang “Showbiz Inside Report,” ang pinakabagong talkshow ng ABS-CBN na magsisimula ngayong Sabado (Pebrero 4) tampok ang bagong kombinasyon ng mga host na kabibilangan ng original Kapamilya star na si Carmina Villaroel, multi-awarded TV host-actress Janice de Belen, actor-politician Joey Marquez, at ‘blind item’ king Ogie Diaz.

Kaiba sa nakasanayang showbiz-oriented TV programs, hindi lamang simpleng silip sa isyu ang handog ng "S.I.R.” sa mga manonood, kundi mga malalimang pagkilala at pagtalakay sa mga totoong tao sa loob ng mga pinakapinag-uusapang kuwentong tinututukan ng publiko.

Kapwa excited sina Janice at Carmina sa bago nilang talkshow. Ayon kay Carmina, “Excited ako sa 'S.I.R.' kasi mabibigyan ako ng pagkakataon na kilalanin ang ating mga Kapamilya stars." Dagdag pa ni Janice, "Aalamin natin ano ba 'yung mga nangyayari sa likod ng mga kuwento."

Samantala, interesado naman si Joey sa palitan nila ng kuro-kuro ng mga co-host niya. Aniya, "Gusto kong matuto mula sa kanila. Kanya-kanya kasi kami ng pag-uugali kaya gusto kong mapangkinggan 'yung mga opinyon nila sa mga istoryang ipalalabas namin."

Kaabang-abang rin, ayon kay Ogie, ang no-holds-barred discussions na tampok sa kanilang programa. "Open kami sa tuksuhan, but at the end of the day wala pikunan, walang personalan. Happiness lang," ani ni Ogie.

Sa pagsasanib-puwersa sa "S.I.R." ng ilan sa mga pinakapinakapinagkakatiwalaan at kinaaaliwang TV hosts sa bansa ngayon, iba't ibang boses ang maririnig at balanseng pagtalakay ang mapapanood--may makulit at matanong na si Carmina na hindi papagil makuha lamang ang totoo sa loob ng mga kaganapan; si Janice na 'showbiz ate' na laging handang makinig; si Tsong Joey na magbabahagi ng pananaw ng lalake sa mga usapin; at si Ogie na laging may bitbit na fresh 'insider' scoops.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng pinakabagong showbiz-oriented talkshow ng ABS-CBN, "Showbiz Inside Report" ngayong Pebrero 4, Sabado ng hapon, pagkatapos ng “Happy Yippee Yehey.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @ShowbizInsideTV sa Twitter, o i-'like' ang Facebook fanpage na http://www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedback



NBA Eastern and Western Conference Finals air on ABS-CBN and Studio 23
The road to the NBA finals continues as the four remaining teams battle it out for a shot to win the coveted Larry O’Brien Trophy.
Goin' Bulilit Kids have fun in the sun in Cebu
Summer fun is not yet over for the wacky kids of Goin’ Bulilit as they invade Cebu.
Ted Failon probes implementation of K-12 curriculum in the country
'Failon Ngayon' investigates the impact of the K - 12 basic education curriculum reform program, which was implemented by the Department of Education last year, on impoverished Filipino families this Saturday (May 25).
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers