Friday, May 24, 2013
Pokwang and Randy Santiago reunite on 'TODA Max'
by ABS-CBN Corp. Comm. | March 10, 2012 2:58 AM | 

Magre-reunite ang dating mag co-hosts na sina Pokwang at Randy Santiago sa  sitcom na "TODA MAX" ngayong Sabado

Ani ng matagumpay na komedyanang si Pokwang, nawala man ang dating noontime show,  nananatili ang pagkakaibigan ng mga dating kasamahan sa programa. Hirit pa ni Pokwang na sana’y sunud-sunod na ang pagdalaw sa kanya ng mga dating ka-trabaho.

Sa ngayo'y  abala si Pokwang sa numero unong sitcom na “TODA Max.” Aniya, isang teleserye ang nakatakda niyang gawin.

Malaki ang pasasalamat ni Pokwang hindi lamang sa pansariling tagumpay na tinatamo, kung hindi maging sa mataas na TV ratings na patuloy na nakukuha ng “TODA Max.”

Ngayong Sabado sa “TODA Max,” hahantong sa baranggayan ang awayan nina Lady G (Pokwang) at Justin (Vhong Navarro). Sa paghaharap sa baranggay, magugulat sila sa pagbabalik ng kurakot na si Chairman Baby Manoling (Randy Santiago). Susubukan ng kapitan na muling kunin ang tiwala ng mga ka-baranggay, ngunit gaganti pala ito kay Justin na boyfriend ng gusto niyang si Isabel (Angel Locsin) na maaring maging balakid sa kanya. Maging mapayapa pa kaya sa Beverly Gil’s?

Samantala, si Isabel naman ay lumipad patungong Nepal upang suportahan ang inaalagaang fooball player.

Tunghayan ang “TODA Max,” pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



Star Magic celebrates 21 years of star power on ASAP 18
Don’t dare miss the exciting anniversary celebration of the country’s premiere star maker this Sunday.
An unexpected error has occurred. The item cannot be displayed. Please check the error log for more information.
‘Be Careful With My Heart’ concerts draw thousands in Los Angeles and Kissimmee
TFC Presents scores back-to-back event winners with Sir Chief,Maya and the gang in U.S. tour
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers