'Dahil sa Pag-ibig' premieres tonight on Primetime Bida |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | March 12, 2012 2:41 AM | |
Magsisimula na ang pinakaaabangang Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN ang “Dahil sa Pag-ibig” na pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na aktor ng bansa na sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Christopher de Leon, Cristine Reyes, at Maricar Reyes.
Tampok ang isang mapangahas na kuwento na susubok sa banggaan ng paniniwala at paninindigan ng dalawang binata na sina Alfred (Piolo) at Oliver (Jericho) dahil sa trahedyang idinulot ni Leo Valderama (Christopher).
Bubuo sa ‘powerhouse cast’ ang ilan sa mga tinitingalang pangalan sa industriya na sina Ronaldo Valdez, Sandy Andolong, Tetchie Agbayani, Rafael Rosell, Denise Laurel, Freddie Webb, Rey PJ Abellana, Carla Martinez, Joonee Gamboa, Bing Davao, Melissa Mendez, Malou Crisologo, Cheska Iñigo, Jeffrey Santos, at Edward Mendez; kasama din si Joel Torre sa kaniyang natatanging pagganap; at ipinakikilala ang pinakabagong Kapamilya teen stars na sina Ella Cruz at Francis Magundayao. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Darnel Villaflor at Avel Sunpongco.
Huwag palampasin ang engrandeng pagbubukas ng kuwento ng “Dahil sa Pag-ibig” ngayong darating na Lunes (Enero 16) sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Related Links


