Who is James Ocampo of 'Walang Hanggan?' |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | March 15, 2012 9:11 AM | |
Lumikha ng ingay at naging trending topic pa sa Twitter kamakailan si 'James Ocampo,' ang unti-unti nang napapansing supporting role sa top-rating teleserye ng ABS-CBN na "Walang Hanggan."
Naging instant hit si ‘James,’ o si John Medina sa tunay na buhay, sa eksena noong Martes (Marso 13) kung saan tinalo niya sa larong poker si Tomas (Joem Bascon) at napanalunan ang titulo ng lupa ng hacienda Alcantara. Hanggang Miyerkules ay hot topic pa rin sa Twitter ang karakter ni John. Bukod sa mga pumupuri sa kagwapuhan niya, maraming nagkomento na si John na ang 'bagong crush ng bayan' at 'bagong Papa Chen (Richard Yap)' ng primetime. Minsan na ring nakasama si John ni Coco Martin sa teleserye bilang ‘body double’ ng aktor sa hit teleseryeng “Minsan Lang Kita Iibigin.”
Ano pa kayang pasabog ang hatid ni James Ocampo at ng kanyang mga amo sa Guidoti Imports na sina Emily (Dawn Zulueta) at Daniel (Coco)? Magiging tulay ba siya sa pagbabalik ng pag-iibigan nina Emily at Marco (Richard Gomez) at Daniel at Katerina (Julia Montes)? O mas makikilala pa siya bilang instrumento sa pagbagsak ng mga Montenegro? Samantala, samahan ang cast ng “Walang Hanggan” sa pagpapatuloy ng “Pagmamahalang Walang Hanggan Nationwide Mall Tour” ngayong Sabado (Marso 17), 5pm, sa Gaisano Mall, Davao Atrium.
Huwag palampasin ang mga rebelasyong gigimbal sa buhay ng mga karakter sa “Walang Hanggan” gabi-gabi, pagkatapos ng “E-Boy” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.walanghanggan.abs-cbn.com, i-like ang http://facebook.com/abs.walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter.
Related Links


