Wednesday, June 19, 2013
'Dahil sa Pag-ibig' captures the hearts of TV viewers nationwide
by ABS-CBN Corp. Comm. | March 20, 2012 8:52 AM | 

Panalo sa national TV ratings ang pagbubukas ng kuwento ng pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Dahil sa Pag-ibig” na na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Christopher de Leon, Cristine Reyes, at Maricar Reyes.

Sa pinakahuling datos ng Kantar Media, humataw ang “DSP” sa 31.1% national TV rating na halos 15 puntos na mas mataas sa nakuhang 16.2% ng katapat na programang “Legacy” ng GMA.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood, kamakailan ay inilunsad naman ng programa ang “Dahil sa Pag-ibig Official Soundtrack” tampok ang ilan sa makabagdamdaming theme songs ng mga pangunahing karakter nitong sina Alfred (Piolo), Oliver (Jericho), Jasmin (Cristine), Agnes (Maricar), at Leo (Christopher). Dinumog ng daan-daang fans ang album launch na idinaos nitong Linggo sa SM Skydome.

Bahagi ng tracklist ng “Dahil sa Pag-ibig Official Soundtrack” na inilabas ng Star Records ang mga awiting “Sa Kanya” na inawit ni Piolo, “Nang Dahil sa Pag-ibig” ni Cristine, “Maghihintay Sa’yo” ni Angeline Quinto, at “Pagdating ng Panahon” ni Bryan Termulo.

Patuloy na subaybayan ang lalong gumagandang istorya ng “Dahil sa Pag-ibig” gabi-gabi, pagkatapos ng “Walang Hanggan” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @dahilsapagibig_ sa Twitter, o i-'like' ang http://facebook.com/dahilsapagibig.tv.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



'Huwag Ka Lang Mawawala' debuts strongly on ABS-CBN's Primetime Bida
Based on the data of Kantar Media last Monday (June 17), the drama series topbilled by Judy Ann, Sam Milby, and KC Concepcion garnered 27.1% national TV ratings.
'Annaliza' cast invade Batangas and Valenzuela this week
The cast of Annaliza joins Batanguenos celebrate Lipa City 66th Foundation Day this Thursday (June 20), 5 PM, in SM City Lipa.
Kris TV’s month-long second anniversary special continues in Singapore and Malaysia
In its first full-fledged and most ambitious Kris RealiTV episode yet, Kris explores our ASEAN neighbors’ culture, food and people in two must-see weeks!
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers