Sunday, May 26, 2013
'Aryana' makes a big splash on Primetime TV
by ABS-CBN Corp. Comm. | April 30, 2012 2:22 AM | 

Magbubukas na ang kapanapanabik na kuwento ng pinakabagong fantaserye magbibigay kulay sa ABS-CBN Primetime Bida, ang "Aryana" na pagbibidahan ng 2008 FAMAS Best Child Actress na si Ella Cruz.

Tunghayan sa Mayo 7 (Lunes) ang pagsisimula ng adventure na batang si Aryana (Ella) na mababago ang takbo ng buhay sa pagsapit ng kanyang ika-14 na kaarawan, kung kailan nakatakdang maisakatuparan ang sumpang ibinigay sa kaniya--ang pagiging isang serena.

Ayon kay Ella, isang ‘dream come true’ para sa kanya ang maging bida sa isang teleserye ng ABS-CBN. "Bata pa ako, gusto ko nang maging artista. Tapos noong sumisikat na sila Ate Julia (Montes) at Kathryn (Bernardo), sinabi ko sa sarili ko na balang araw gusto ko ring magkaroon ng teleserye sa Primetime Bida," ani ng dating “Goin’ Bulilit” child star na mas tumatak kamakailan sa mga manonood bilang batang Cristine Reyes sa top-rating drama series na “Dahil sa Pag-ibig.”

Ibinahagi rin ng batang aktres na ikasisiya ng buong pamilya ang kuwento ni “Aryana” at ang mga karakter sa kanyang dalawang mundo--ang mundo ng mga tao at mundo ng mga sirena. Kuwento niya, “Makakapulot din ang TV viewers ng iba't ibang aral tungkol sa pamilya, pag-ibig at kalikasan.”

Kasama ni Ella sa "Aryana" ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Pokwang, Tonton Gutierrez, Desiree del Valle, Laurice Guillen, Tetchie Agbayani, Giselle Toengi, Rustica Carpio, Lotlot de Leon, Bianca Manalo, Chokoleit, Michelle Vito, David Chua, Boom Labrusca, Marvin Yap, Louise Abuel, at Paul Salas. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Erick Salud at Lino Cayetano.

Huwag palampasin ang pagbubukas ng pinakaaabangang fantaserye ng ABS-CBN, “Aryana,” sa Mayo 7 (Lunes) sa Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter.

The
ABS-CBN
ForumsSend us
your feedback



Ted Failon probes implementation of K-12 curriculum in the country
'Failon Ngayon' investigates the impact of the K - 12 basic education curriculum reform program, which was implemented by the Department of Education last year, on impoverished Filipino families this Saturday (May 25).
Boy Abunda gives marriage advise to Angel and Vhong
Preparations for the wedding of Isabel and Justin in the hit sitcom “Toda Max” are now underway!
Star Magic celebrates 21 years of star power on ASAP 18
Don’t dare miss the exciting anniversary celebration of the country’s premiere star maker this Sunday.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers