Xyriel shares the value of studying hard on 'Wansapanataym' |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | June 14, 2012 8:47 AM | |
Tuturuan na maging tapat at masipag sa pag-aaral ang mga batang kababalik lang sa eskwela sa panibagong episode ng "Wansapanataym" special ng Kapamilya child wonder na si Xyriel Manabat ngayong Sabado (Hunyo 16).
Sa ‘Ballpen de Sarah Pen,’ gagampanan ni Xyriel ang karakter ni Sarah, isang estudyante na mahilig mangopya sa kanyang mga exam. Nang pagkalooban siya ng mga mahiwagang ballpen na may kakayahang sumagot mag-isa ng mga pagsusulit, lalong lalala ang pandaraya ni Sarah sa kanyang mga gawain sa ekswela. Paano kaya matututunan ni Sarah na walang mabuting naidudulot ang pangongopya?
Kasama ni Xyriel sa episode sina Gladys Reyes, Christopher Roxas at Yogo Singh. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Crisanto Lim at direksyon ni Jojo Saguin.
Ang “Wansapanataym” ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na “Bida Best Kid” na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging ‘da best’ sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.
Huwag palampasin ang 2012 Prix Jeunesse International Festival Children’s Jury Prize winner, “Wansapanataym" special ni Xyriel tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Related Links


