Robin Padilla meets 'Thor' on 'TODA Max' |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | June 15, 2012 9:39 AM | |
Kahit na busy ang action star na si Robin Padilla sa dami ng kanyang mga paparating na projects, hindi siya kailanman nawalan ng oras para sa asawang si Mariel Rodriguez.
“Yung Sunday, rest day namin yun ni Mariel dati. Pero ngayon kahit linggo nagtatrabaho kami,” pahayag ng aktor. Subalit hindi daw naging problema ang trabaho sa pagitan ng mag-asawa. Nagpapasalamat pa nga si Robin, o mas kilala sa tawag na Binoe, sa Panginoon sa mga biyayang binibigay sa kanila.
“Tanggapin natin yung mga pagpapala na ibinibigay sa atin,” ani pa niya.
Nakatakdang gumawa si Binoe ng pelikula kung saan gaganap siya bilang si Senador Ping Lacson, sa direksiyon ni Direk Romy Suzara. Maliban sa regular na paglabas niya sa “TODA Max” bilang si Tol, nag-tetape din si Binoe ng teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw kung saan makakasama niya si Kris Aquino at Anne Curtis.
Samantala, sa “TODA Max” kung saan patuloy ang pagpapatawa ni Binoe, guest ngayong Sabado si Bayani Agbayani na gagampanan ang karakter na si Thor, ang matador na suki ni Justin (Vhong Navarro). Hindi masyadong bibigyan ng pansin nina Tol, Isabel (Angel Locsin) at ng mga bata si Justin kahit na papalapit na ang kanyang pag-alis kaya nang inaya siyang mag-inuman ni Thor, agad na papayag si Justin. Ngunit tuwing nakakainom si Thor ay umiinit ang ulo niya. Bigla namang nawala si Justin pagkatapos ng kanilang inuman.
Nasaan na kaya si Justin? Kaya ba siya nawala ay dahil minatador na siya ni Thor? Abangan ang mga kapanapanabik na pangyayari sa “TODA Max” ngayong Sabado, June 16 sa ABS-CBN.
Related Links


