Pepe Smith, rockin' n rollin' all the way to the bank? |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | June 16, 2012 4:53 AM | |
Wala pa ring kupas ang enerhiya ng Pinoy rock and roll legend na si Pepe Smith dahil talagang humataw at rumak ‘en roll ito sa studio sa ngalan ng P2 milyon ng siya ang maglaro sa hit Kapamilya game show na “Kapamilya Deal or No Deal.”
Nakakahawa ang kanyang sigla kaya maging ang 24K girls, host na si Luis Manzano, at pati studio audience ay naparakrak dahil sa kanya. Sinampolan niya rin si Banker ng kanyang sikat na mga awitin sa pagbabakasakaling makakuha ng magandang offer.
Sapat naman kaya ang ginawa niyang pagpapasikat kay Banker? Maging mabait kaya si Banker sa kanya gayong isa siyang tinitingalang icon sa industriya ng OPM? Si Pepe na kaya ang unang tatanghaling milyonaryo sa edisyong ito?
Huwag palalampasin ang “Kapamilya Deal or No Deal” ngayong Sabado (June 16), pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN.
Related Links

