Laugh with dad and the Goin' Bulilit kids on Father's Day |
| by ABS-CBN Corp.Comm. | June 17, 2012 12:18 AM | |
Siguradong mag-eenjoy ang mga tatay at ang kanilang mga anak ngayong linggo sa panonood ng Goin’ Bulilit (GB) dahil napapanahon ang mga jokes na hatid para sa Araw ng mga Ama. Abangan ang pagganap ng GB kids sa mga makabayang sundalo kung saan susubukin nila ang buhay barracks.
Mayroon din silang espesyal na hatid para sa mga tatay; ang nakakatawa na “Like Father, Like Son”, kung saan gagayahin nila ang mga ama ng tahanan at kung papaano nila sinusuportahan at pinapasaya ang kanilang mga anak.
Dagdag pa sa buhay militar na gagayahin ng mga GB kids, magkakaraon sila ng “Military Chant”, habang ipagpapatuloy nila ang nakakatawang “OA Family”.
Magbigay-pugay sa pagmamahal at pag-aaruga na hatid ng ating mga ama; patawanin siya sa isa na namang episode ng Goin’ Bulilit ngayong Linggo (June 16, 2012) pagkatapos ng TV Patrol Weekend, sa ABS-CBN.
Related Links


