Ejay Falcon admits his acting skills are honed in 'Mundo Man ay Magunaw' |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | June 18, 2012 3:42 AM | |
Aminado ang "Mundo Man ay Magunaw" lead star na si Ejay Falcon na dati pa niyang 'crush' si Popstar Sarah Geronimo at kung bibigyan ng pagkakataon ay ikaliligaya niya na makapareha ito sa isang TV o movie project.
"Sobra ang paghanga ko kay Sarah kasi lahat kaya niyang gawin--acting, singing, dancing, pati sa hosting, magaling. Hindi pa ako artista, crush ko na talaga siya," kuwento ni Ejay.
At tulad ni Sarah na patuloy ang paghusay sa iba't ibang larangan, inspirado rin si Ejay na pagbutihin ang kanyang talento sa pag-arte upang lumawak pa ang kanyang pwedeng gawin sa harap ng kamera.
"Kapag mahal mo ang isang bagay, trabaho man o tao, paglalaanan mo ng panahon. At ako, mahal ko ang pag-arte kaya mas nag-aaral po akong mabuti para pagbutihan ito," sabi niya. "Thankful po ako sa challenging roles na ipinagkakatiwala ng network sa akin kaya inspirado din po akong mag-improve."
Samantala, habang marami nang nakapapansin sa paglalim ng pag-arte ni Ejay sa "Mundo Man ay Magunaw" ay dumarami na rin ang nag-aabang sa mga susunod sa rebelasyon sa kuwento ng mag-iinang Olivia (Eula Valdes), Sheryl, at Jenny. Tuluyan na nga lang bang lolokohin si Sheryl ng kanyang Lola Alicia (Tessie Tomas) sa hindi pagsasabi ng tunay niyang pagkatao? Magbabalik ba ang kasamaan ni Jenny sa sandaling malaman niya na si Sheryl ay hindi niya kapatid sa ama kundi ang siyang tunay na La Peña?
Huwag palampasin ang de-kalibreng Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN, ang “Mundo Man ay Magunaw,” araw-araw, 2:30 pm, pagkatapos ng “It’s Showtime.” Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa Twitter o i-‘like’ ang Facebook page ng show http://www.facebook.com/mundomanaymagunaw.
Related Links


