Does Charice have the 'luck factor' on 'Kapamilya Deal or No Deal?' |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | June 23, 2012 2:58 AM | |
Nakatakda ng hanapin ng international singing sensation na si Charice ang ‘x factor’ sa Pinoy talents bilang celebrity judge-mentor sa biggest musical event ng taon na “The X Factor Philippines.”
Pero bago niya kilatisin ang susunod na singing superstar, susubukan niya munang makuha ang tamang briefcase na naglalaman ng P2 milyon ngayong Sabado (June 23) sa hit game show na “Kapamilya Deal or No Deal.”
Sa isang rare TV appearance, si Charice ay game na game na makikipagtawaran kay Banker at makikipagkulitan sa host na si Luis Manzano. Bagamat sanay nang humarap sa international audience ay bumigay pa rin sa tensyon ng laro ang Pinoy pride at dinaan na lang sa pagkanta, pagsayaw, at pagbibiro para mawala ang kaba.
Palarin kaya si Charice na maging pinakaunang milyonaryo ng edisyong ito? Huwag palalampasin ang “Kapamilya Deal or No Deal” ngayong Sabado (June 23), pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN.
Related Links

