It's raining cats and dogs on 'Goin' Bulilit' |
| by ABS-CBN Corp.Comm. | June 24, 2012 12:15 AM | |
Babaha ng tawanan sa Goin’ Bulilit (GB) ngayong Linggo (June 24) dahil sa mga tag-ulan gags at jokes na pakakawalan ng kwelang GB kids.
Dala ang kanilang mga payong, aawit ang kids ng “Sukob Na” habang nagsasaya sa pagtatampisaw. Pati si Arowana, ang sariling bersyon ng GB sa sikat na sirenang si Aryana, ay makikisali sa basaan.
Ipapakita din nila ang pagkakaiba ng buhay at panahon sa “Noon at Ngayon” habang tuloy tuloy ang kulitan sa “Walang Tulugan”. Abangan din ang pakikipagsapalaran ng cute nating kasambahay na sina Mutya at Chacha sa “Mutya-Cha”.
Makisukob na sa payong ng saya na dulot ng GB kids sa Goin’ Bulilit, ngayong Linggo (June 24) pagkatapos ng TV Patrol Weekend, sa ABS-CBN.
Related Links


