Kris teams up with Chiz on 'KrisTV' |
| by ABS-CBN Corp.Comm. | July 02, 2012 12:27 AM | |
Sa pagpapatuloy ng bonggang selebrasyon ng first anniversary ng Kapamilya morning show na "Kris TV," ipakikila ni Queen of All Media Kris Aquino ang kauna-unahan niyang guest co-host--si Senator Francis 'Chiz' Escudero.
Kung noon ay guest lamang siya sa first episode ng "Kris TV," simula ngayong Lunes (Hulyo 2) ay makakasama na siya ni Kris sa pagbibigay saya, kaalaman, at ng makabuluhang karanasan sa TV viewers. Tuklasin ang 'magic' nina Kris at Chiz sa buong buwan ng Hulyo sa sabay nilang pakikipag-bonding sa pinakamalalaking personalidad sa bansa, maging artista man, politiko, athletes, at iba pang kinagigiliwan ng publiko.
Tutukan ang unang "Kris TV" kasama si Chiz bilang guest co-host ngayong Lunes (July 2), 8am, pagkatapos ng “Umagang Kay Ganda,” sa 'UmaGanda' block ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Related Links


