'Kung Ako'y Iiwan Mo' No. 1 daytime program |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | July 02, 2012 12:33 AM | |
ung sa primetime ay "Walang Hanggan" ang pinakatinututukan, pagdating naman sa umaga ay pinakasinusubaybayan ay ang first 'OFW-serye' ng ABS-CBN na "Kung Ako'y Iiwan Mo" na pinagbibidahan nina Shain Magdayao, Bangs Garcia, at Jake Cuenca.
Sa magkakasunod na araw mula Hunyo 25(Lunes) hanggang Hunyo 28 (Huwebes), top 1 sa listahan ng daytime programs nationwide ang "Kung Ako'y Iiwan Mo." Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media, humataw ito ng 16.8% national TV ratings kumpara sa top 2 sa listahan na "Eat Bulaga" na nakakuha ng 16.5%. Pasok din sa top 20 overall TV programs ang serye nila Shaina, Bangs, at Jake, kung saan nag-rank 7 ito kamakailan.
Ngayong nasa Pilipinas na si Sarah (Shaina), paano niya muling bubuuin ang nawasak na puso dahil sa pangangaliwa ng asawa niyang si Paul (Jake)? Maipagtapat pa kaya niya sa nakakulong niyang asawa na ipinagbubuntis nila ang ikalawa nilang anak? O pipiliin ni Sarah na ibukas ang puso sa ibang lalake at kalimutan na ang lalaking pinagtaksilan siya?
Huwag palampasin ang no.1 daytime program ng bansa, "Kung Ako'y Iiwan Mo" pagkatapos ng “Mundo Man ay Magunaw” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan and @abscbndotcom sa Twitter.
Related Links


