Sunday, May 26, 2013
'Patrol ng Pilipino' delves into worsening crime situation in the PH
by ABS-CBN Corp. Comm. | July 03, 2012 9:02 AM | 

Muli na namang nabuksan ang isyu ng nakakaalarmang sitwasyon ng krimen sa bansa dahil sa balitang pagbaril sa isang ina sa Tondo na sinundo lamang ang kanyang anak mula sa eskwela na isang kaso umano ng mistaken identity.

Bukas (July 3) sa “Patrol ng Pilipino,” susundan ni Jeff Canoy ang kinahinatnan ng biktimang si Gina Castillo na kasa-kasamang naglalakad ang kanyang limang taong gulang na anak nang bigla silang harangin ng isang ‘di kilalang suspek at biglang pinagbabaril ang ginang na siyang agad na ikinamatay nito.
Kasabay ng pag-usisa sa kasong ito, sisiyasatin ni Jeff ang pinagmumulan ng mga nakahihindik na kaso ng krimen sa bansa na hindi matuldukan dahil ang mga salarin ay patuloy na malayang nabubuhay.

Sa dinami-dami ng krimen na nangyayari araw-araw, ilan nga ba rito ang nasolusyunan na ng mga pulis para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng karahasan?
Samantala, makikidalo naman si Chiara Zambrano sa Kapwa Conference sa Baguio City na siyang pagtitipun-tipon ng mga katutubo mula sa Pilipinas pati na rin mula sa Japan, Estados Unidos, at Thailand. Sinasabing itinataguyod ng pagpupulong na ito ang mapayapang pakikipagtalastasan at pag-uunawa sa iba’t ibang katutubong grupo sa kabila ng kanilang pagkakaiba. Paano nga ba nila napapanatili ang kanilang lahi sa kabila ng modernisasyon sa kasalukuyang panahon?

Alamin ang kwento sa likod ng mga balita sa “Patrol ng Pilipino” bukas (July 3) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



Ted Failon probes implementation of K-12 curriculum in the country
'Failon Ngayon' investigates the impact of the K - 12 basic education curriculum reform program, which was implemented by the Department of Education last year, on impoverished Filipino families this Saturday (May 25).
Boy Abunda gives marriage advise to Angel and Vhong
Preparations for the wedding of Isabel and Justin in the hit sitcom “Toda Max” are now underway!
Star Magic celebrates 21 years of star power on ASAP 18
Don’t dare miss the exciting anniversary celebration of the country’s premiere star maker this Sunday.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers