Jodi Sta. Maria thanks fans for 'Be Careful with My Heart' success |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | July 18, 2012 12:23 PM | |
No. 1 daytime TV program na ngayon sa bansa ang kasisimula pa lamang na Prime-Tanghali 'kilig-serye' ng ABS-CBN na "Be Careful With My Heart." Mistulang pinakinggan ng buong sambayanan ang panawagang pagka-'kapit-bisig' ni Jodi Sta. Maria dahil tagumpay ang bawat araw sa pilot week pa lamang ng kanilang teleserye ni Richard Yap.
Sa katunayan, ayon sa datos ng Kantar Media noong Biyernes (Hulyo 13), nag-reyna na ang "Be Careful With My Heart" sa daytime block taglay ang 17.2% national TV ratings. Ang katapat naman nitong programa sa GMA na "Chef Boy Logro Kusina Master" ay nakakuha lamang ng 9.9%. Gayundin, pasok ang bawat episode ng pilot week sa top 10 overall TV programs sa buong bansa.
Ayon kay Jodi, labis ang kaligayahan nila ni Richard at ng buong team ng "Be Careful With My Heart" sa napakainit na suporta ng TV viewers sa kanilang teleserye.
"We were optimistic about the show's ratings but we weren't expecting it would be this high," ani Jodi. "Ang gusto lang namin noong una ay makapaghandog ng bago at masayang panuorin sa ating audience sa umaga. Pero sobra po ang naging response nila. Kaya very thankful din naman po talaga kami sa kanila!"
Naniniwala si Jodi, na gumaganap sa kuwento bilang ang masayahing dalaga na si Yaya Maya, na nag-click sa mga manonood ang show dahil sa hatid nitong 'good vibes.' Paliwanag niya, "I think the viewers wanted something new in their daytime routine. Maybe the viewers appreciate the lightness of the show. Napapaalalahan kasi sila na kahit gaano kapangit ang mga pangyayari sa buhay, may choice pa rin tayong maging positibo."
Patuloy na subaybayan ang lalo pang gumagandang kuwento ng namumuong espesyal na pagtitinginan nina Yaya Maya at Mr. Lim (Richard) sa 'kilig-seryeng' tiyak mas mamahalin pa ng Pinoy viewers, ang "Be Careful With My Heart," araw-araw, 10:45am, bago mag-"It's Showtime, sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.
Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.
Related Links


