Thursday, June 20, 2013
Gus Abelgas looks into rape-slay of young girl
by ABS-CBN Corp. Comm. | July 20, 2012 8:42 AM | 

Mas pinanood ng mas maraming Pilipino ang kasong inimbestigahan ni Gus Abelgas sa unang pagtatanghal ng “SOCO: Scene of the Crime Operatives” sa pinaaga nitong timeslot tuwing Sabado ng hapon sa ABS-CBN.

Wagi ang “SOCO” na pumalo ng 13.6% na national TV rating kumpara sa 9.2% lamang ng kalabang “Wish Ko Lang” noong Sabado (July 14), base sa datos ng Kantar Media na sakop ang parehong urban at rural areas sa bansa. Pasok din bilang ikasiyam na pinaka-pinanood na programa ang “SOCO” sa episode nitong itinampok ang isang sektang itinayo ng abusadong lider na pinaparusahan at ginagahasa ang mga debotong sumusuway sa kanya.

Panalo rin ang mga kasamang programa ng “SOCO” sa bagong news and current affairs weekend block ng ABS-CBN na “Failon Ngayon” (13.6%) at “TV Patrol Weekend” (21.1%) na tinalo ang mga kalabang programa sa GMA.

Ngayong Sadabo (July 21) naman, uusisain ni Gus ang panggagahasa at pagpatay sa 18 anyos na dalaga sa palayan ng Camiling, Tarlac na ang mga pangunahing suspek ay pawang malalapit sa biktima – ang kanyang nobyo at tiyuhin.

Batay sa imbestigasyon, inilunod sa irigasyon ang biktimang si Mary Cris at posibleng ginahasa dahil sa mga nakuhang brief at isang pares ng tsinelas sa crime scene. Sino nga ba sa dalawang suspek ang ituturo ng mga ebidensya?

Tutukan ang pagsasadula ng krimen sa “SOCO: Scene of the Crime Operatives” ngayong Sabado (July 21) pagkatapos ng “Showbiz Inside Report” sa ABS-CBN. Para sa sa updates ng programa, i-like ang www.facebook.com /Abs-Cbn-SOCO.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



'Huwag Ka Lang Mawawala' debuts strongly on ABS-CBN's Primetime Bida
Based on the data of Kantar Media last Monday (June 17), the drama series topbilled by Judy Ann, Sam Milby, and KC Concepcion garnered 27.1% national TV ratings.
'Annaliza' cast invade Batangas and Valenzuela this week
The cast of Annaliza joins Batanguenos celebrate Lipa City 66th Foundation Day this Thursday (June 20), 5 PM, in SM City Lipa.
Kris TV’s month-long second anniversary special continues in Singapore and Malaysia
In its first full-fledged and most ambitious Kris RealiTV episode yet, Kris explores our ASEAN neighbors’ culture, food and people in two must-see weeks!
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers