Vilma Santos and Kim Chiu treat viewers with a 'Healing' weekend |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | July 21, 2012 2:17 AM | |
Bida ngayong weekend sa tatlong ABS-CBN shows--"Showbiz Inside Report" (SIR), "ASAP 2012," at "The Buzz"-- ang pinakaaabangang suspense-horror film ng taon na pinagbibidahan nina Star for All Seasons Vilma Santos at primetime TV princess Kim Chiu, ang "The Healing," na ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa Miyerkules (July 25).
Tuklasin sa "SIR" ngayong Sabado (July 21) ang 'secrets to success' ni Ate Vi at ang pinakamahahalagang aral na natutunan niya sa loob ng 50 taon niya sa industrya ng showbiz.
Samantala, kikislap naman sa Linggo (July 22) ang concert stage ng "ASAP 2012" at set ng "The Buzz" sa natatanging pagdalaw ng powerhouse cast ng "The Healing" sa pangunguna nina Ate Vi, Kim Chiu, Janice de Belen, Martin del Rosario, at Pokwang.
Sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema at direksyon ng master director na si Chito Roño, bahagi rin ng first-ever suspense-horror film ni Ate Vi ang mga de-kalibreng aktor sa industriya na sina Mark Gil, Allan Paule, Jhong Hilario, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, at Carmi Martin.
Ang "The Healing" ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa July 25, 2012!

