Tuesday, May 21, 2013
'Patrol ng Pilipino' looks into Team PH training for the Olympics
by ABS-CBN Corp. Comm. | July 24, 2012 10:47 AM | 

Sasabak na naman sa panibagong hamon ang mga atletang Pinoy sa London Olympics na aarangkada na ngayong linggo.

Bukas (July 24) sa “Patrol ng Pilipino,” susundan ni Gretchen Malalad ang kwento sa likod ng paghahanda at sakripisyo ng mga pambato ng bansa na nag-aasam na makapag-uwi ng parangal mula sa prestihiyosong kompetisyon. Isa na kaya sa kanila ang makakasungkit ng medalya para sa Pilipinas?

Labing-isa ang kinatawan ng bansa sa Olympics ngayong taon pero sa kasaysayan ito na ang pinakamaliit na delegasyon ng bansa simula noong 1932. Sa kabila ng kakulangan sa pondo at pasilidad para sa mga atletang Pinoy, paano nga ba nagagawang maging matatag at inspirado ng mga Olympian para pagbutihin ang laban sa London?

Samantala, hihimayin naman ni Maan Macapagal ang mga isyung ibinabato sa Metro Manila Development Authority dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng yellow lane sa kahabaan ng EDSA na nagbabawal sa mga pampasaherong bus na lumabas sa guhit na ito at dumaan sa mga flyover at ilalim ng mga tulay sa EDSA.

Sinasabing ang pinaigting na batas na ito umano’y nagbibigay ng importansiya sa mga pribadong sasakyan lamang ngunit ayon sa MMDA, isang paraan ito upang mabawasan ang mga aksidente at pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kalsada. Ito na nga ba ang solusyon sa matagal nang problema sa EDSA?

Alamin ang kwento sa likod ng mga nagbabagang balita bukas (July 24) sa “Patrol ng Pilipino” pagakatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



Customer and store owner fight over spoiled food on 'Engkwentro'
Karen Davila looks into a brawl between good friends Nanay Charing, a retail store owner, and Aling Nora, one of her loyal customers in 'Pinoy True Stories: Engkwentro'
Kim and Maja reconcile on 'Ina Kapatid Anak'
What major life changing event will lead Celyn at Margaux to forgive each other?
44 Kalokalikes ng 'Showtime' battle it out in 'Kalokalike Level Up'
Watch as the celebrity wannabes unleash their wild personality and charisma for “Kalokalike Level Up,” the look-alike contest’s semi-finals round that will be held over the course of two weeks from May 20 until May 31.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers