JM De Guzman pays 700 for the girl he loves |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | July 24, 2012 10:52 AM | |
Isang lalaking wagas magmahal ang karakter na bibigyang buhay ng Kapamilya leading man na si JM de Guzman sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Hulyo 28). Gaganap siya bilang si Acmad na simple lamang ang buhay hanggang na-love-at-first-sight siya sa dalagang si Flor (Marlann Flores). Bagamat inaalipusta at ginagawang katatawanan, hindi natinag si Acmad sa kanyang nararamdaman.
Hanggang isang araw, ginulat ni Flor si Acmad nang pumayag itong makipag-live in sa kanya kapalit lamang ang pitong daang piso. Ano ang magtutulak sa isang babae na pumisan kasama ang lalaking hindi niya mahal? Natatapatan nga ba ng salapi ang tunay na pag-ibig? O natuturuan din ang puso sa paglipas ng panahon?
Kasama nina JM at Marlann sa "MMK" episode ngayong Sabado sina Cai Cortez, Rey PJ Abellana, Glenda Garcia, Deborah Sun, Shey Bustamante, Franzen Fajardo, Jovic Susim, Kyra Custodio, Ces Aldaba, Jojit Lorenzo, Nikki Javier, at Claire Bercero. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem del Rosario, panulat ni Maan Dimaculangan-Fampulme, at direksyon ni Rechie del Carmen. Huwag palampasin ang isang kakaibang kuwentong pag-ibig ngayong Sabado sa “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng “Wansapanataym.”
Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.
Related Links


