Camille torn between JB and Bryan on 'LUV U' |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | July 28, 2012 6:30 PM | |
Pagkatapos magulo ang love life ni Kiray Celis last week sa hit teen comedy series na “LUV U”, may bago na namang lalaking dadating sa Lamberto Uy Villarama University na siyang magpapagulo sa barkada.
Hindi pa man humuhupa ang gulong nangyari sa pagdating ng tisoy na “manliligaw” ni Whitney (Kiray), ipapakilala naman ni Honey (Arie Reyes) ang kanyang bagong boyfriend na si Bryan. Lingid sa kaalaman ng lahat, “childhood sweetheart” pala ni Camille (Miles Ocampo) ang binata.
Magseselos si Honey dahil inagaw na nga ni Camille si JB (Marco Gumabao) sa kanya tapos pati si Bryan ay aagawin pa rin niya. Pati si JB, pagseselosan ang bagong saltang binata.
Tuluyan na kayang magalit si Honey kay Camille? Paano naman si JB sa pagbalik ng binatang minsang nagpatibok sa puso ni Camille?
Abangan ang nakakatawa at magugulong eksena sa trending teen comedy show na “LUV U” kasama ang special guest na si Arvic Rivero ngayong Linggo (Hulyo 29) pagkatapos ng ASAP 2012 sa ABS-CBN.
Related Links


