Monday, May 20, 2013
Anthony Taberna investigates unauthorized AFP Training in 'XXX'
by ABS-CBN Corp. Comm. | July 30, 2012 1:04 AM | 

Titiktikan ni Anthony Taberna ang isang grupo na diumano’y nagbibigay ng hindi awtorisadong training para makapasok sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Lunes (July 30) sa “XXX.”

Isang retiradong sundalo ang lumapit sa “XXX” para isumbong ang modus operandi ng grupo kung saan maari ka raw maging miyembro ng AFP kapag ikaw ay nagdaan sa training na ibibigay nila na nagkakahalagang P650. Nang tanungin ni Anthony ang AFP tungkol dito, wala raw silang alam o pinapayagang kahit anong private group na puwedeng magsanay para sa AFP.

Habang inaalam ni Anthony ang puno’t dulo ng reklamo ay sasama naman si Julius Babao sa isa na namang “Oplan: Paglalansag.” Layunin ng operasyon na salakayin ang mga taong nag-aalaga ng hindi lisensyadong mga baril bilang paghahanda sa 2013 halalan. Una na itong isinagawa sa Nueva Ecija, kung saan saksi ang “XXX” sa buong pangyayari, at ngayon naman ay susugod ang PNP Intelligence group sa isang lugar sa Quezon province.

Samantala, kukumustahin naman ni Pinky Webb ang biktima ng rape na si “Catherine” isang taon matapos lumapit ang dalagita sa “XXX.” Nang malaman ang kahalayang ginawa sa kanya, agad na nagsagawa ang programa ng surveillance at arrest operation sa suspek. Kamakailan lang ay ibinaba na ng korte ang hatol nito na pagkakakulong kaya naman sa wakas ay nanaig na ang hustisya para sa menor de edad. Kumusta na kaya siya? Nakabangon na kaya siya sa kahalayang sinapit noong nakaraang taon?

Tunghayan ang buong ulat sa “XXX” ngayong Lunes (July 30) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN, o sa mas maagang pagere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow


Tags: XXX

'Juan Dela Cruz' universe gears up for 'Juan Fun Day' with fans this Sunday
The 'Juan dela Cruz cast is all set for a grand thanksgiving celebration as they bond with their avid fans in ‘Juan Fun Day’ at the Aliw Theater, 1:00pm, this Sunday (May 19).
ABS-CBN’s first quarter income up 66% due to strong advertising revenues and consumer sales
ABS-CBN generated consolidated revenues of P7.9 billion from advertising and consumer sales, a 21% increase compared to last year. 
Most 'star-studded episdode of 'Kapamilya Deal or No Deal' this Saturday
Viewers are in for an exciting episode as the celebrity impersonators of “It’s Showtime” segment, Kalokalike, invade the ‘Deal’ stage to support this week’s celebrity player and “Ihaw Na” host Tito Bhoy (Jayson Gainza).
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers