Wednesday, May 22, 2013
'Patrol ng Pilipino' looks into the rise of teenage pregnancies
by ABS-CBN Corp. Comm. | July 31, 2012 8:16 AM | 

Pabata nang pabata ang mga Pinay na nahihimok na makipagtalik habang tumataas pa rin ang bilang ng mga batang ina sa bansa ayon sa isang pag-aaral ng United Nations (UN) na nagsasabing ang Pilipinas ang may pinakamaraming kaso ng mga nagbubuntis na menor de edad sa buong Southeast Asia.
Bukas (July 31) sa “Patrol ng Pilipino,” kakapanayamin ni Jing Castaneda ang isang magbarkada ng mga batang ina upang alamin kung ano nga ba ang mga dahilan na nagtutulak sa kabataan ngayon upang pumasok sa responsibilidad ng pagkakaroon ng anak.

Lumalabas din sa pagsasaliksik ng UN Population Fund na tumaas ng 70% ang bilang ng teenage pregnancies sa bansa sa loob lamang ng isang dekada at 53 sa bawat 1,000 kababaihang nasa edad 15 hanggang 19 ang maagang nabubuntis.

Kulang nga ba sa gabay ang mga magulang ngayon kaya’t napapabayaan ang mga anak? Ano ang maaaring gawin ng lipunan at pamilya upang maiwasan at matulungan ang mga kabataan ngayon?

Samantala, iimbestigahan naman ni Dominic Almelor ang natuklasang ng Commission on Audit na umano’y kwestyunableng proseso ng pagpili ng mga pamilyang benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang pinakamahihirap na mag-anak sa bansa.

Maraming umanong benepisyaryo ng programa ang hindi naman talaga karapat-dapat na matulungan dahil sa hindi pagpasa sa mga pamantayan nito. Paano ba ito ipapalawanag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang diperensiyang ito?

Alamin ang kwento sa likod ng mga maiinit na balita sa “Patrol ng Pilipino” (July 31) pagakatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SKyCable Channel 26), 9:15 p.m.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



Desiree Del Valle and Andi Eigenmann play cousins in MMK this Saturday
Desiree del Valle and Andi Eigenmann will topbill "Maalaala Mo Kaya" this Saturday (May 25) as they take on the roles of cousins Jane and Lyka.
Little Champ airs champion finale this Friday
ABS-CBN’s hit fantasy series ‘Little Champ’ wins viewers' hearts as it has remained a top-rater from its initial episodes until now that the program is on its finale week.
Customer and store owner fight over spoiled food on 'Engkwentro'
Karen Davila looks into a brawl between good friends Nanay Charing, a retail store owner, and Aling Nora, one of her loyal customers in 'Pinoy True Stories: Engkwentro'
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers