Tuesday, May 21, 2013
Seventy-year-old man choose dogs over family on 'MMK'
by ABS-CBN Corp. Comm. | August 01, 2012 9:08 AM | 

Hindi matatawarang pagmamahalan ng tao at ng mga alaga niyang hayop ang masasaksihan sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Agosto 4) tampok ang nakaaantig na kuwento ni Lolo Jessie (gagampanan ni Nanding Josef) kasama ang mga asong sina Simba at Brownie.

Bagama’t laking pasalamat sa pagkupkop ng kamag-anak, hindi kinaya ng loob ni Lolo Jessie ang kagustuhan ng kanyang pamangkin na palayasin sa bahay ang mga mahal niyang alaga. Sa halip na itaboy at mawala sa piling niya sina Simba at Brownie, pinili na lamang ni Lolo Jessie na iwan ang natitira niyang kapamilya at mamuhay sa kalsada.

Ano nga bang kayang gawin ng isang tao para sa mga alagang hayop na kung ituring ay higit pa sa kapamilya? Kasama ni Nanding sa "MMK" episode ngayong Sabado sina Dingdong Avanzado, Jessa Zaragosa, Maliksi Morales, Jao Mapa, Liza Lorena, Keana Reeves, at Kazel Kinouchi. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem del Rosario, panulat ni Mark Duane Angos at direksyon ni Nick Olanka.

Huwag palampasin ang kakaibang kuwento ng pag-ibig ngayong Sabado sa “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng “Wansapanataym.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow


Tags: mmk

Kim and Maja reconcile on 'Ina Kapatid Anak'
What major life changing event will lead Celyn at Margaux to forgive each other?
44 Kalokalikes ng 'Showtime' battle it out in 'Kalokalike Level Up'
Watch as the celebrity wannabes unleash their wild personality and charisma for “Kalokalike Level Up,” the look-alike contest’s semi-finals round that will be held over the course of two weeks from May 20 until May 31.
'Juan Dela Cruz' universe gears up for 'Juan Fun Day' with fans this Sunday
The 'Juan dela Cruz cast is all set for a grand thanksgiving celebration as they bond with their avid fans in ‘Juan Fun Day’ at the Aliw Theater, 1:00pm, this Sunday (May 19).
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers