Thursday, June 20, 2013
'X-Factor Philippines' final 12 compete in first live show
by ABS-CBN Corp. Comm. | August 03, 2012 8:46 AM | 

Kinilala na ang 12 finalists ng pinakamalaki at top-rating na musical event ng taon na “The X Factor Philippines” kamakailan at sasabak na sila live shows na magsisimula ngayong Sabado (Aug 4) para harapin ang ikalima at pinakamatinding judge ng kumpetisyon— ang taong bayan.

Pinili ng judge-mentor na si Martin Nievera, kasama ang international Pinoy singing sensation na si Arnel Pineda bilang guest celebrity judge, ang estudyante na si Gabriel Anciano, college graduate na si Jeric Medina, at estudyante rin na si Kedebon Colim para kumatawan sa Boys category (solo male performers 16-25 yrs old).

Pambato naman ng Girls (solo female performers 16-25 yrs old) ang estudyante at freelance singer na si Allen Sta. Maria, dive guide na si Jerrianne Templo, at band vocalist na si KZ Tandingan na mismong pinili ng kanilang judge-mentor na si Charice kasama ang guest celebrity judge at fellow Pinay pride na si Cheesa na naging finalist sa hit US singing competition na ”The Voice.”

Para naman sa Over 25’s category (solo performers 26 yrs old and above) na minementor ni Pilita Corrales kasama ang napiling guest celebrity judge na si Rico J. Puno, pasok ang musikera na si Joan Da, freelance singer na si Mark Mabasa, at dating security officer na si Modesto Taran.

Hindi naman magpapahuli ang Groups (16 yrs old and above) na binubuo ng all-male quartet na Daddy’s Home, boyband na Take Off, at all girl group na Lucky Girls na sinala ng judge-mentor na si Gary Valenciano kasama ang kanyang guest celebrity judge na walang iba kung hindi ang world champion na si Jed Madela.

Magpapasiklaban na nga ang 12 finalists sa isang bonggang live shows na magaganap sa Sabado (Aug 4) sa PAGCOR Grand Theater, Paranaque kung saan aawitin nila ay mga movie theme song.

Nasa kamay na ng taong bayan ang desisyon dahil ang iboboto nila via text ang siyang mananatili para ipagpatuloy ang laban habang ang finalist naman na may pinakamababang boto ay siyang uuwi.

Sino kaya ang magpapamalas ng ‘x factor’ at sino naman kaya ang ma-e-ekis na sa kumpetisyon? Sinong judge-mentor ang unang malalagasan ng pambato?

Mas matindi na talaga ang tensyon at kumpetisyon sa pagsisimula ng unang live show ng “The X Factor Philippines” ngayong Sabado (Aug 4), pagkatapos ng “MMK,” at unang elimination night ngayong Linggo (Aug 5), pagkatapos ng “Sarah G Live,” sa ABS-CBN. Sundan ito sa Twitter via @thexfactorphil at ipahagay ang inyong mga opinyon, reaksyon, at saloobin sa programa gamit ang hashtag na #XFactorPH. I-like din ang official Facebook page ng programa sa https://www.facebook.com/XFactorPhOfficial.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



The 36TH GAWAD URIAN AWARD Winners Revealed
Nora Aunor took home the Best Actress award while Jericho Rosales received his first Urian for Best Actor.
Nikki Gil is betrayed by her sister on 'MMK'
The singer-actress plays the role of Precy, a mother who works abroad for her family only to return and discover her sister's betrayal.
'Huwag Ka Lang Mawawala' debuts strongly on ABS-CBN's Primetime Bida
Based on the data of Kantar Media last Monday (June 17), the drama series topbilled by Judy Ann, Sam Milby, and KC Concepcion garnered 27.1% national TV ratings.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers