'X Factor Philippines' beats rival networks' talent-reality shows in TV ratings |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | August 10, 2012 7:34 AM | |
Namayagpag ang biggest musical event ng taon na “The X Factor Philippines” sa national TV ratings noong Sabado (Aug 4) at Linggo (Aug 5) at tinaob ang pambatong talent-reality shows ng mga kalabang network.
Base sa datos ng pinagsamang urban at rural ratings data ng Kantar Media, wagi ang “The X Factor Philippines” sa average national TV rating na 20.7% kontra “Artista Academy” ng TV 5 na pumalo lang sa kakarampot na 1.8%. Hindi naman umubra ang panlaban ng GMA 7 na “Protégé: The Battle for the Big Artista Break” na nag-rate lang ng 13.2% kumpara sa 16.6% ng “The X Factor Philippines.”
Talaga namang tinutukan ng mas maraming Pilipino ang hit Kapamilya show lalo pa’t naganap na ang unang tanggalan sa kumpetison kung saan unang pinauwi ang manok ni Charice sa Girls category na si Jerrianne Templo. Natuldukan na nga ang pangarap ng dive guide mula Mandaluyong City matapos siyang mapabilang sa may pinakamababang bilang ng boto kasama si Joan Da ng Over 25s. Matapos ang kanilang huling showdown at one-on-one na pagtatapat sa kantahan, nagdesiyson na ang mga judge-mentor na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, at Pilita Corrales at mas pinili nila si Joan. Bakas naman ang lungkot kay Charice lalo pa’t siya ang unang nalagasan ng pambato.
Ano kaya ang itatanghal ng labing-isang natitirang finalists sa pagtatapos ng linggo ? Sino ang susunod na pauuwiin ? Sinong judge-mentor ang malalagasan ? Huwag nang bibitiw sa mas tumitindi pang kumpetisyon sa“The X Factor Philippines,” kasama si KC Concepcion bilang host, tuwing Sabado, pagkatapos ng “MMK,” at Linggo, pakatapos ng “Sarah G Live,” sa ABS-CBN.
Sundan ang programa sa Twitter via @thexfactorphil at ipahagay ang inyong mga opinyon, reaksyon, at saloobin sa programa gamit ang hashtag na #XFactorPHLive. I-like din ang official Facebook page ng programa sa https://www.facebook.com/XFactorPhOfficial.
Related Links


