Sunday, May 26, 2013
Who is to blame for Metro Manila's worst flood?
by  | August 11, 2012 2:40 AM | 

Titignan ni Ted Failon ang kalagayan ng mga informal settler o “iswater” na nakatira sa mga estero, na siyang isa sa itinuturong salarin sa pagbaha sa kamaynilaan, matapos ang matinding pagbahang dinanas ng bansa sa nakalipas na mga araw ngayong Sabado (Aug 11) sa “Failon Ngayon.”

Dalawang linggo ngang nararanasan ng ating bansa ang hagupit ng hanging Habagat kung saan 90% ng Metro Manila ay lubog sa baha at halos 2 milyong katao sa buong bansa ang apektado ng pagtaas ng tubig sa kani-kanilang lugar.

Sa ulat na ginawa ni Ted kamakailan natukoy na ang sa pamumutiktik ng informal settlers sa mga estero, pagtatayo ng mga gusali ng gobyerno at pribadong kumpanya sa mga daluyan ng tubig tulad ng ilog kung kaya’t ganun na lang kabilis bumaha sa bansa. Bukod pa riyan ang malaking problema sa mga baradong drainage at waterways.

Muling ring hihingin ng programa ang magkabilang panig ng inire-reklamo at nagrereklamo sa dahilan ng pagsisikip ng Marikina River kabilang ang reklamo ng lokal na pamahalaan ng Marikina laban sa Circulo Verde project sa Quezon City.

Sinu-sino ang mga kababayan nating labis na naapektuhan ng banat ni Habagat?

Ano na ang aksyon ng gobyerno sa lumalalang problema sa baha?

Huwag palalampasin ang buong ulat ni Ted ngayong Sabado (Aug 4) sa “Failon Ngayon,” 4:45 PM pagkatapos ng “SOCO” ABS-CBN. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa http://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ito sa Twitter sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon.


Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow



NBA Eastern and Western Conference Finals air on ABS-CBN and Studio 23
The road to the NBA finals continues as the four remaining teams battle it out for a shot to win the coveted Larry O’Brien Trophy.
Goin' Bulilit Kids have fun in the sun in Cebu
Summer fun is not yet over for the wacky kids of Goin’ Bulilit as they invade Cebu.
Ted Failon probes implementation of K-12 curriculum in the country
'Failon Ngayon' investigates the impact of the K - 12 basic education curriculum reform program, which was implemented by the Department of Education last year, on impoverished Filipino families this Saturday (May 25).
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers