It's Tol vs Justin on 'TODA Max' |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | August 11, 2012 2:44 AM | |
Kailanman ay hindi nagkaroon ng kahit na anong isyu sa pagitan ng magkakatrabaho sa sitcom na “TODA Max”, ani Vhong.
“Parang magkakapatid kami dito sa Toda, walang gulo, walang isyu, masaya lang,” dagdag pa ng komedyante.
Si Binoe, na gumaganap bilang pinsan ni Vhong sa sitcom ay maihahantulad na ni Vhong sa isang tunay na kapamilya. “Hindi kumpleto kapag wala si Robin, si Angel at syempre ang nagbalik na si Pokwang,” ani Vhong.
Samantala, lalong tumitindi ang hidwaan ng magpinsan na Justin (Vhong) at Tol (Binoe) dahil sa ginawang panggagamit ni Justin sa kasinatahan ni Tol na si Diane (Valerie Concepcion) upang huwag bawiin ni Lady G (Pokwang) ang tinitirahang bahay.
Dadayo naman sina Joj at Jai kasama ang PBB Teen Edition 4 Big Winner na si Myrtle sa “TODA Max” dahil iimbitahan sila ng pamangkin ni Tol para sa isang cosplay birthday party.
Ano kaya ang mangyayari sa birthday party ni Jessica sa pagdalo ng mga sosyal niyang kaibigan? Magkaayos pa kaya ang magpinsang Justin at Tol?
Alamin sa “TODA Max” ngayong Sabado (Agosto 11) pagkatapos ng “X Factor Philippines” sa ABS-CBN.
Related Links


