Wednesday, June 19, 2013
'ASAP 2012' stages grandest Pinoy talent showcase this Sunday!
by ABS-CBN Corp. Comm. | August 19, 2012 1:42 AM | 

Kikislap ang pinakamalalaking bituin sa mundo ng showbiz ngayong Linggo (Agosto 19) sa patuloy na pagbuhos ng kasiyahan sa “ASAP 2012” tampok ang mga bonggang sorpresa at world-class performances na pangungunahan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Vina Morales, Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Sam Milby, Christian Bautista, Cristine Reyes, at Jericho Rosales.

Ipagdiwang ang galing ng mga Pinoy sa larangan ng musika sa pagsisimula ng selebrasyon ng ika-25 anibersaryo sa showbiz ng Asian Acoustic Sensation na si Aiza Seguerra; sa pagbibigay ng pinakabagong gold record award sa ASAP champion na si Erik Santos; at sa paglunsad ng "Princess and I" album kasama ang lead stars ng ‘royal teleserye’ ng ABS-CBN na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na susundan ng isang espesyal na sorpresa para sa ‘prinsipe ng primetime.’

Engrandeng hatawan naman ang magaganap sa ASAP centerstage sa bonggang birthday bash ng “Kahit Puso’y Masugatan” lead star na si Iza Calzado.

Tiyak na mamamangha ang lahat sa show-stopping concert experience na ihahatid nina Yeng Constantino, Jovit Baldivino, Angeline Quinto, Marcelito Pomoy, Juris, Richard Poon, Paolo Valenciano, at ng boy group na 143; at sa masayang kantahan ng radio hitmakers na sina Gloc 9, Ebe Dancel, at Liezel Garcia.

Samantala, makiindak naman sa makapigil-hiningang dance showdown na inihanda nina Kim Chiu, John Prats, Gab Valenciano, Shaina Magdayao, Erich Gonzales, Empress, Iya Villania, Rayver Cruz, Robi Domingo, Sam Concepcion, Anja Aguilar, at Enrique Gil, kasama ang Kapamilya child wonders na sina Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, Bugoy Cariño, Mutya Orquia, at Louise Abuel.

Makisaya sa iba't ibang selebrasyon sa 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na “ASAP 2012” ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnow


Tags: ASAP 2012

'Huwag Ka Lang Mawawala' debuts strongly on ABS-CBN's Primetime Bida
Based on the data of Kantar Media last Monday (June 17), the drama series topbilled by Judy Ann, Sam Milby, and KC Concepcion garnered 27.1% national TV ratings.
'Annaliza' cast invade Batangas and Valenzuela this week
The cast of Annaliza joins Batanguenos celebrate Lipa City 66th Foundation Day this Thursday (June 20), 5 PM, in SM City Lipa.
Kris TV’s month-long second anniversary special continues in Singapore and Malaysia
In its first full-fledged and most ambitious Kris RealiTV episode yet, Kris explores our ASEAN neighbors’ culture, food and people in two must-see weeks!
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers