Pokwang now a bar dancer? |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | September 13, 2012 8:25 AM | |
Napabalitang nahuli ang sikat na komedyanang si Pokwang na nagsasayaw sa isang bar suot ang kakarampot na damit habang pinagpipiyestahan ng mga kalalakihan.
“Opo, totoo po ‘yun,” natatawang sagot ni Pokwang. “Abangan ‘nyo po yan sa TODA Max,” ani ng komedyana.
Mahuhuli sa aktong nagsasayaw sa taas ng entablado si Lady G (Pokwang) nang magkaroon ng police raid sa bar. At kasama pa sa mga mahuhuli ng mga pulis sina Tatay Mac (Al Tantay) at Justin (Vhong Navarro). Bakit kaya?
Samantala, dadayo naman ang chickboy na lolo nina Tol at Justin na si Lolo Lloydie (Leo Martinez) upang humingi ng tulong dahil nawawala ang anak nito. Sa kabilang dako naman, matatagpuan ni Lady G si Maristela (Myrtle Sarrosa) sa kanyang bahay na umiiyak dahil lumayas daw ito sa kanila.
Mahanap kaya ni Lolo Lloydie ang anak? Alamin sa “TODA Max”, kasama ang guest stars na sina Leo Martinez at PBB Teen Big Winner Myrtle Sarrosa, ngayong Sabado (Setyembre 15) pagkatapos ng “X Factor Philippines” sa ABS-CBN.
Related Links


