Will Joj and Jai have double luck in 'Kapamilya Deal or No Deal?' |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | September 14, 2012 8:34 AM | |
Doble doble ang saya at excitement ngayong Sabado (Sep 15) dahil ang paboritong kambal ng bayan mula sa bahay ni Kuya na sina Joj at Jai ay susubukang makuha ang P2 milyon jackpot sa hit Kapamilya game show na ”Kapamilya Deal or No Deal.”
Kwelang kwela ngang makikipagtawaran ang kambal kay Banker at sa sobrang tensyon ay napatawag pa ito ng tulong kay Big Brother. Maging kakambal din kaya nila ang swerte o kambal kambal din na kamalasan ang abutin nila sa pagbubukas ng mga briefcase?
Huwag palalampasin ang “Kapamilya Deal or No Deal” ngayong Sabado (Sep 15), pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN. Ipahagay ang inyong mga opinyon, reaksyon, at saloobin sa programa sa Twitter gamit ang hashtag na #KapamilyaDOND.
Related Links

