'TODA Max' haunted by a white lady? |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | September 21, 2012 8:15 AM | |
Isang mapanindig-balahibong episode ang hatid ng “TODA Max” ngayong Sabado (Setyembre 22) sa pagdalaw ng mga espiritu sa Beverly Gil’s.
Dahil sa paglala ng nakawan sa Beverly Gil’s, magpapakabit ng CCTV Camera si Lady G. (Pokwang) upang mahuli kung sino ang gumagawa nito. Ngunit hindi magnanakaw ang mahuhuli dito kundi isang white lady.
Bukod sa white lady, napag-alaman ding may multo sa bahay ni Justin (Vhong Navarro) kaya naman hihingi na sila ng tulong sa isang psychic medium na si Katty P. Pero sasapian ng dalawang multo sina Lady G. at Justin na lalong magpapagulo sa sitwasyon.
Mawawala pa pa kaya ang mga espiritong kumakalat sa Beverly Gil's? ‘Wag palalampasin ang nakakatawa’t nakakatakot na episode ng “TODA Max” ngayong Sabado (Setyembre 22) pagkatapos ng “X Factor Philippines” sa ABS-CBN.
Related Links


