Toni, Melai and Billy's inspiring stories on SIR |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | September 21, 2012 8:17 PM | |
Inspiring life stories nina Toni Gonzaga, Melai Cantiveros, at Billy Crawford ang ibibida sa "Showbiz Inside Report" ngayong Sabado (Setyembre 22). Sa episode na may titulong "Bagong Buhay, Bagong Pag-asa," kilalanin ang tunay na pagkatao nina Toni, Melai at Billy sa pamamagitan ng mga eksklusibong kuwento tungkol sa mga pinagdaanan nila sa buhay bago nakamit ang kanilang kasikatan.
Sino ang naging inspirasyon ni Toni habang nakikipagsapalaran siya para maabot ang kanyang mga pangarap? Paano nabago ng showbiz ang buhay ng pamilya ni Melai? Bakit pinanindigan ni Billy ang kanyang career sa Pilipinas sa kabila ng mas magagandang oportunidad sa Europe? Huwag palampasin ang mga kwento ng pagbabagong buhay sa trending Saturday entertainment talkshow sa bansa, “Showbiz Inside Report,” tuwing 2:30 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-'like' ang Facebook fanpage na http://www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.
Related Links


