Wednesday, June 19, 2013
'Secret Love: Sungkyunkwan Scandal' premieres on Monday
by ABS-CBN Corp. Comm. | October 27, 2012 10:04 PM | 

Nakakaiskandalong kwela at kilig ang sasainyo simula Lunes (Oct 29) dahil ang pinakapinanood na Korean drama ng 2010 na “Secret Love: Sungkyunkwan Scandal” ay mapapanood na sa wakas sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.


Tampok sa serye ang Korean sweetheart na minahal ng manonood bilang Kim Nana sa “City Hunter” na si Park Min Young katambal ang pinakamainit at pinakatinitiliang Korean actor ngayon na si Park Yoo Chun. Nag-dub naman sa unang pagkakataon ang aktor na si Rap Fernandez bilang pabling na katropa ng mga bida na si Goo Yong Ha.


Tunghayan ang kuwento ni Kim Yoon-hee (Min Young), isang madiskarte at palabang babae na kumakayod para iahon ang pamilya sa kahirapan. Dahil nabubuhay sa sinaunang panahon kung saan ang mga kababaihan ay hindi pinapayagan ng lipunan na matrabaho o kaya makapag-aral, nagpapanggap si Yoon-hee bilang kapatid niyang lalaki na si Kim Yoon-shik para kumita.


Isa sa raket na napili niya ay pagsagot ng entrance exams para sa mga aplikante sa prestihiyosong Sungkyunkwan University. Dito, makikilala niya si Lee Sun Joon (Yoo chun) matapos nitong mahuli ang dalaga sa akto ng panlilinlang sa exams. 
Sa halip na isumbong ay hinimok pa ng matalinong binata si Yoon-shik para tuluyan na mag-exam at mag-enroll sa university.


Dahil sa takot na gawing pambayad utang ng pamilya niya ay sinubukan ni Yoon-hee na mag entrance exam at sa hindi inaasahang pangyayari ay pumasa siya kaya naman ang raketerang dalaga, ngayo’y isang Sungkyunkwan student na.


Sa kanyang pagpapanggap bilang lalake ay masusubukan ang tatag at paninindigan ni Yoon-hee sa loob ng all-boys school. Makikipagsabayan din s'ya sa mga tinaguriang heartthrobs ng Sungkyunkwan na sina Goo Yong Ha, ang upper classman na malapit sa mga babae; si Moon Jae Shin, ang kanyang astig na roommate at ang matalinong si Sun Joon. Ngunit ano ang mangyayari kung habang nagpapanggap si Yoon-hee bilang lalake ay unti-unting mahulog ang kanyang loob kay Sun Joon?


Hanggang saan kayang magpanggap ni Yoon-hee? Paano kapag nalaman ni Sun Joon ang kanyang lihim? Ano ang kahahantungan ni Yoon-hee sa oras na malaman ng Sungkyunkwan ang iskandalong kaniyang kinasasangkutan? Hanggang kailan ba maitatago ang sikreto ng puso?


Huwag palalapampasin ang pag-uumpisa ng “Secret Love: Sungkyunkwan Scandal” ngayong Lunes (Oct 29), pagkatapos ng “Kung Ako’y Iiwan Mo” sa Kapamilya Gold ng first and true home of Asianovelas, ABS-CBN.

Related Links

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedback



'Huwag Ka Lang Mawawala' debuts strongly on ABS-CBN's Primetime Bida
Based on the data of Kantar Media last Monday (June 17), the drama series topbilled by Judy Ann, Sam Milby, and KC Concepcion garnered 27.1% national TV ratings.
'Annaliza' cast invade Batangas and Valenzuela this week
The cast of Annaliza joins Batanguenos celebrate Lipa City 66th Foundation Day this Thursday (June 20), 5 PM, in SM City Lipa.
Kris TV’s month-long second anniversary special continues in Singapore and Malaysia
In its first full-fledged and most ambitious Kris RealiTV episode yet, Kris explores our ASEAN neighbors’ culture, food and people in two must-see weeks!
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers