Ariel Rivera portrays a stroke victim on 'MMK' this Saturday |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 08, 2012 8:37 AM | |
Ang actor-singer na si Ariel Rivera ang bibida sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Nobyembre 10), kung saan gagampanan niya ang karakter ng isang ulirang guro at ama na si Fidel.
Sa gitna ng maayos na takbo ng kanyang buhay-pamilya, isang matinding hamon ang hinarap ni Fidel nang atakihin siya sa puso at na-stroke. Dahil sa biglaan niyang kawalan ng kapasidad na umunawa at magsalita, ang dating guro ay mistulang naging estudyante ng kanyang musmos na anak. Paano magsisilbing haligi ng tahanan ang amang ninakawan ng lakas at kakayahan?
Makakasama ni Ariel sa "MMK" episode sina Ana Roces, Caseyda Silva, at Spanky Manikan. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Alexandra Mae Martin, panulat ni Joan Habana, at direksyon ni Dado Lumibao.
Huwag palampasin ang isa na namang nakaaantig na kuwentong buhay na puno ng inspirasyon, sa “MMK” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym,” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.
Related Links


