'Wansapanataym' Christmas special begins with Cristine Reyes this Saturday |
| by ABS-CBN Corp. Comm. | November 09, 2012 8:14 AM | |
Sa Sabado (Nobyembre 10) na ang simula ng eight-week Christmas countdown ng top-rating fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na “Wansapanataym.” Tampok sa walong Christmas episodes ang ilan sa mga pinakamalalaking Kapamilya stars kabilang sina Angel Locsin, Sam Milby, Carmina Villaroel, Erich Gonzales, Angeline Quinto, Julia Montes, Coco Martin, at ang bibida sa episode ngayong Sabado na si Cristine Reyes.
Gagampanan ni Cristine sa 'Monito ni Monica' episode ang karakter ni Monica, isang babaeng naniniwala na ang lahat ng kabutihan ay dapat may kapalit. Nang pagkalooban siya ng mahiwagang kahon na may kakayahang palitan ang lahat ng kanyang ibinibigay, aabusuhin ni Monica ang kapangyarihan ng kahon at gagamitin niya ito para makuha ang lahat ng kanyang mga ninanais. Masusolusyunan pa ba ang pagkagahaman ni Monica at matutunan ang halaga ng wagas sa pusong pagtulong sa kapwa sa sandaling matuklasan niyang nakaw ang lahat ng kapalit na kanyang natanggap?
Makakasama ni Cristine sa ‘Monito ni Monica’ sina Jaime Fabregas, Carlo Aquino, Allyson Lualhati, at Elaine Quimuel. Ito ay sa ilalim ng panulat nina Yam Tanangco at Cris Lim, direksyon ni Darnel Joy Villaflor.
Huwag palampasin ang maagang pamasko ng CMMA Best Children and Youth Program, “Wansapanataym” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Related Links


